Chapter 27

1.1K 73 8
                                    

Eve Morrison

Anak ng tinapa! Letcheng hang over 'to oh. Sino ba kasing nag imbento nito?!

Bumangon na ako para maghilamos tsaka magpalit ng bagong damit sa banyo.

Hindi ko na halos maalala ang nangyari kagabi. Basta nag party kami, uminom, nag laro, then boom!

Wala na.

Ganon pala epekto ng Tanduay? Sa pagkakaalam ko, limang shot lang ako eh.

"Good morning Eve!"

Nagulat pa ako paglabas ng banyo, dahil nagising na si Raven. May dalang tasa ng kape tsaka she looked chirpy today.

Himala at hindi hang over 'to.

"Good morning din Raven. Hindi masakit ulo mo?"

"Nope!" She chuckled and sipped from her cup.

Nilagpasan ko na lang siya at inayos ang pinagtulugan ko.

After that, bumaba kaming dalawa. Only to be greeted by all of our friends.

Ako lang ba? O silang lahat walang hang over. They looked fresh and new. Shuta! Pati si Cedric ay parang pomogi sa mga mata ko.

"Good morning Eve." Bati ni Xeah na agad ko namang binati pabalik sabay ngiti.

"Oh, inumin mo 'to." Nabigla naman ako sa biglaang pagsulpot ni Luci na may dalang tubig tsaka gamot.

Kinuha ko naman 'yun, at ininom.

"Breakfast is ready!" Sigaw naman ni Marceline mula sa kitchen.

Kaya nagsipuntahan kaming lahat doon.

Nang marating namin ang kusina, nagkanya kanyang upo ang mga kaibigan namin.

Pero nararamdaman ko ang presensiya sa likod ko. I looked back and saw Luci standing behind me.

Kumunot naman ang noo ko.

"Umupo ka na kaya Lucifer."

Natawa naman sila Rahi.

"I think hindi niya na maalala ang nangyari kagabi."

"Tsk!" Reklamo naman ng nasa likuran ko.

Napatingin ako sa kanilang lahat, tila naguguluhan sa kung anong ibig sabihin 'non.

May nangyari bang hindi ko alam?

Malamang lasing ka!

Oo na. Bobo rin ako minsan, kahit top 10 ako.

"A-Ano bang nangyari?" Patay malisya ko nalang at naupo na rin. Tumabi na rin si Luci sa akin. Kaya napatingin ako sakanya. Umirap lang siya tsaka ipinagsalin ako ng kape.

"Itanong mo kay Luci." Natatawang sabi ni Cedric.

"Pogi mo ngayon Ced." Sabi ko tsaka kinindatan pa siya, out of tuksohan lang.

"Kilabutan ka nga! Luci ikaw na bahala d'yan ah."

And now I'm really curious about what happened last night. Hindi nalang ako umimik.

"Okay, let's say grace." Yoj said and Marceline led the prayer.

After that, we started eating.

Magiliw kaming kumakain, tsaka nagkukwentuhan na rin ang iba.

"Are you not going to ask me about last night?"

Napatingin ako kay Luci. Kating kati na din naman ako na malaman kung ano ang nangyari kagabi. 

Luci GracelWhere stories live. Discover now