Chapter 32

887 63 4
                                    

Luci Gracel

Sumapit ang hapon, Eba and I went to the highland resort. Sinama namin sila Lolo at Lola para naman makapag libang ang mga matanda.

Good thing our driver was fast enough at umabot siya dito sa Vista kaninang lunch. Pinadala ko 'yung Mitshubishi Expander namin.

Mabuti nalang pumayag si Mom.

Pinauwi ko naman kaagad ang driver namin matapos siyang makapag tanghalian kanina.

"Naku Luci iha, ang gara pala nitong sasakyan mo." Compliment pa ni Lola. Kasalukuyan pa naming binabaybay ang daan patungo sa resort.

"Hindi naman masyado La." Sagot ko naman.

"Iba na talaga ang mga kabataan ngayon. Gusto mo rin ba ng ganito Eve?" Tanong ni Lolo sa kanyang apo. Napasulyap ako kay Eba na nasa passenger seat.

"Wala pa akong pera pambili nito Lo. Siguro kapag may trabaho na ako. Bibili tayo ng ganito."

Napangiti ako sa sagot niya. Ang bait ni Eba sa grandparents niya.

"Sabihan mo lang ako apo. Gagawan natin ng paraan 'yan. Para may magamit ka sa unibersidad ninyo."

"Ay naku Lo, ang lapit lang ng dorm ko sa school. Hindi na po kailangan ng kotse."

"Don't worry Lo, hatid sundo ko naman si Eba eh."

Napatingin ako kay Eba then kay Lolo sa rearview mirror. He looks relieved by that.

"Narinig mo na ang mga bata Erenio, hindi mo na kailangan mag-alala."

"Sabihan niyo lang ako La, kung gusto niyong bisitahin si Eba. Ipapasundo ko kayo dito."

"Iha 'wag na. Malaking abala pa sa iyo, at sa driver ninyo."

I just smiled.

Bakit kaya ganon? Our grandparents are always the ones who spoils us the most, and cares for us. Even if they go against their own kids.

Namiss ko tuloy grandparents ko.

Sa side kasi ni Mom, they're both long gone. Sa side ni Dad naman, si Lolo nalang. Maybe I could visit him one of these days, since natagpuan ko na 'yung lupa niya.

I called our lawyer earlier and informed him about the lot in Vista. I guess he informed Lolo na rin. Napansin ko kasi 'yung lake. May naputol na sycamore tree. Lolo often said that him and Lola were always visiting a sycamore tree in the province.

Sila na bahala doon, ang gusto ko lang mabawi namin ang lupa. I know some prick promised Mr. Jorge to sell that land to him, kahit hindi naman kompleto ang mga papeles. May mga ganon talagang tao. And it's also Mr. Jorge's fault, he didn't checked the full details if its legit or not. But it's his lost anyway, naging gahaman din siguro sa lupa.

I wanna teach his daughter a lesson, ang yabang yabang niya. Nakakairita ang mga babaeng ganon.

The land was originally Lola's, but when she died Lolo did not care about the land at all. Until they read her will.

It was going to be mine.

I'll pay whatever it takes to get what's mine.

Narating na namin ang highland resort. And I parked the car sa natitirang space.

There were a few cars here and several motorcycles. Dinadayo na nga siguro ito, aside sa park.

May arc na nakalagay ng 'Welcome to Bolaños Highland Resort,' pumasok na kami, at bumungad sa amin ang magandang tanawin ng buong Vista. 'Yung mga bundok na matatayog tingnan.

Luci GracelWhere stories live. Discover now