Chapter 42

1K 78 6
                                    

Luci Gracel

Mabilis lumipas ang mga araw at dumating na rin ang midterm exams. Most students probably are dreading this week.

Buti nalang at last day na. Mag bubunyi ang lahat.

While Yoj is just sleeping.

I just saw her in her exam room. Binato ko siya ng maliit na bato, kaya ayon nagising siya at sinagutan naman niya ang papel niya ng mabilisan. Tapos lumabas na.

Nakita niya naman ako, "Tara tulog tayo." Nyeta talaga.

Walang ibang alam.

"Umuwi ka ng condo. Sasabay ako kay Eba."

"Nagbabahay bahayan ba kayong dalawa ha?" Biglang sumulpot si Xeah sa kung saan.

Luh. Pano 'to nakarating dito agad?

"Ha? Ano kami mga bata?"

Psh.

"Oh come on. It's been weeks that I see Eve coming out of your condo. At h'wag mong gawing excuse si Morningstar para makita si Eve no!" Dagdag pa ni Xeah.

I mentally rolled my eyes.

"Excuse me? Morningstar is our baby."

"Hey, stop bickering you two. Sumasakit ulo ko sa inyo." Awat ni Yoj.

"Okay, I'll just go then." Sabi ko sa kanilang dalawa.

"Hey don't forget dinner at Rahi and Marceline's place." Paalala ni Yoj kaya tumango lang ako.

"Sagutin mo muna tanong ko Lu."

"Leave her be, Xeah. Malaki na 'yan."

Napailing nalang ako.

"I'll bring Eba later."

"Geh."

I waved them off tsaka nag punta na ng Educ department. While walking nakasabayan ko si Stefan.

My eyebrows instinctively furrowed together, confused as to why he is here.
Law student siya, at ang layo ng Law building para mapadayo siya sa Educ.

I smell competition.

"Fancy seeing you here, Vice."

"Don't call me that." He hissed. Which made me chuckle.

"Don't want to entangle yourself with the gay people?"

"Shut it Gracel. I'm not here for you."

"Then what are you doing here?"

Nagsusukatan kami ng tingin, at naputol lang 'yun nang may tumawag sa akin. 

"Lucifer!"

"Oh, I've been called by my lady. See you around Vice."I laughed mockingly at him, before I went to Eba's direction.

"Napano kayo? Friends na ulit kayo?" Tanong pa nito nang makalapit ako sa kanya."

"Ew no. He's stupid."

"Stupid? Law student 'yun."

"Basta. Anyway, let's go later kina Rahi. There's a small celeb for the successful midterm exam."

"Buti pa kayo successful, kami mukha kaming lutang." Tsaka tinuro niya ang mga kaibigan niya.

"At last! Tapos na ang hell week!"

"One week na namang off!"

"Ugh! Natatakot ako baka nabagsak ako."

"Capital letters ba 'yung isasagot?"

Luci GracelDonde viven las historias. Descúbrelo ahora