Chapter 2

217 13 1
                                    

Marileigh pov

Taon-taon akong umuuwi ng bahay sa Cebu, para makasama sina Mommy at Daddy kapag pasko at bagong taon, kasama na rin si Lolo at Lola.

Masaya ngunit malungkot pa rin dahil pagkatapos ng espesyal na okasyon. Back to reality, pero gaya ng sabi ko, sanayan na lang talaga.

Lumipas ang ilang taon, nakapagtapos na rin kami nila Samira at Samir sa kolehiyo. Nakakatuwang isipin na kasama ko parin sila. At hindi pa rin sila nagbago sakin. Mababait pa rin sila, pero exit pa rin si Samraz sa buhay ko masama kasi ang ugali. Akala ko nuon, magkaibigan na kami, ng regaluhan nya ako nung 18th birthday ko ng isang makeup kit.

May nakapagsabi sakin na kapag nakatanggap daw ako ng isang regalo at kung ito ay, salamin o kaya makeup, meaning daw nun ay magkaibigan kami pero magkaaway. Parang sinasabi daw nito na. Hindi ka maganda kaya magpaganda ka. Ang sakit diba.

Kaya ayon nga akala ko friend ko na talaga sya pero isa pa rin palang enemy, MY FRENEMY!!

Nagpunta kami nila Samira at Samir sa hotel na pagmamay-ari ng namayapa nilang lola, na pagmamay-ari na ng magulang nila. Hindi naman ito ang unang beses ko na makapasok sa hotel na to dahil madalas din kami dito nuon kapag bakasyon.

Ito ang unang araw na mag uumpisa na kami sa trabaho.

"Simula ngayon, dito na kayo magtatrabaho para kung sakaling gusto nyong magtrabaho sa iba may experience na kayo." sabi ni Tito.

"Papa. Sa restaurant ako, baka makalimutan nyo." sabi ni Samir.

Sa magkambal, mas tahimik si Samir at laging seryoso at may sariling desisyon. Si Samira naman, masayahin at palabiro, at kapag nakapagdesisyon at may gustong gawin, gusto nya, agad-agad ginagawa na. Hindi na nagpapatumpik tumpik pa. 

"Marileigh. Okay lang ba sayo kung hotel manager ang ibigay ko sayong posisyon?" sabi pa uli ni Tito. Kaya nagulat ako.

"Tito, baka po pwede po ba sa mababa muna ako mag umpisa. Nakakabigla po kasi." sabi ko naman.

"Ang totoo kasi nyan, naghahanap talaga ako ng manager ngayon sa hotel, at mukhang ikaw ang qualified, baka sakaling pumayag ka."

"Ganon po ba." sabi ko at napayuko ako dahil nakaramdam ako ng hiya.

Tinapik ako ni Samira at ngumiti. Parang sa ngiti pa lang nya mahiwaga na, at nakakapagbigay ng bagong pag asa. At nakakapawi ng lungkot.

"At si Samira, iaasign ko front desk supervisor." sabi pa ni tito.

"Hindi ba ako qualified na maging manager papa?"pabirong sabi ni Samira.

"Qualified ka din naman anak pero base kasi sa ugali mo, dapat jan ka na muna ma-assign." sagot ni tito at napakamot pa ng ulo.

"Hala? Maka ugali ka naman papa, ano bang ugali ko?" natatawang tanong ni Samira 

"Maganda ka kasing ngumiti, kaya dapat jan ka sa unahan para pag pumapasok ang mga guest and visitors, ngingiti ka pa lang, sure na agad sila." sabi pa ni tito na hindi ko mahulaan kung nagbibiro o seryoso.

"Grabe si papa kung magbiro." sabi pa niya kaya nagtawanan kami.

Maganda talaga si Samira., lalo na ang mga ngiti nya. Napakaganda, mukha kasi syang dyosa na galing sa kalangitan. Maraming nagkakagusto sa kanya nung highschool kami lalo na nung college, ang perfect kasi nya, pero ako, wala lang, never naman akong napansin. O baka napansin na ako pero hindi ko napansin.

Dalawang taon na ang nakalipas. Natutunan ko na ng maayos ang trabaho ko dito aa hotel, at magaling ng makipag usap si Samira sa mga customer na papasok sa hotel, agad agad na co-convince na nya ito na mag stay sa hotel. Para syang lucky charm na pusang kumakaway.

Accidentally In Love with my FrenemyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum