Chapter 6

136 9 0
                                    

Samraz pov

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung mag leave si Mari, aaminin ko, ang lungkot ko ng wala sya, parang hindi kompleto ang araw ko pag di ko sya nakikita.

Sabi nga nila, saka mo na lang ma re-realized na mahal mo ang isang tao kapag wala na ito.

Flashback

Wala na akong ginawa sa opisina ko kundi ang mag mukmok na lang at magbasa ng files, lalo na ang basahin paulit ulit ang dahilan ng babaeng witch na yun kung bakit sya mag le-leave.

Ilang sandali lang may kumatok sa pinto ng opisina ko, agad na niluwa nun sina Samira, mama at papa.

"Bakit parang ang lungkot mo naman jan Raz?" Tanong ni Papa sa akin.

Oo malungkot talaga ako. Dahil wala ang babaeng bumubuo ng araw ko.

"Malungkot yan dahil wala si Mari." sabi pa ni Sam.

"Bakit nasaan pala si Marileigh?" tanong ni papa.

"Nag leave po ng 2 months at nasa cebu na ngayon." malungkot kong tugon.

"Yun lang malungkot ka na?" Sabi uli ni papa kaya bumuntong hininga na lang ako.

"Nga pala ang bahay natin sa cebu, kailangan ng ipaayos dahil sira na ang kisame, tag ulan na." nag aalalang sabi ni mama.

"Ako na lang po ang mag aasikaso nun sa cebu mama." sabi ko.

"Aba! Seryoso ka?" Tanong nya.

"Opo."

"Tss! Ang sabihin mo gusto mo lang sundan si Mari duon." prangkang sabi ni Sam, kaya muling bumuntong hininga na lang ako.

"Hahaha.. bakit hijo? May gusto ka na ba sa apo ni Chairman Gonzalez?" Pabirong tanong ni papa, pero hindi ko sya sinagot.

"Alam mo Raz. Kung gusto mong bakuran si Mari, subukan mong maging mabait sa kanya." seryosong sabi pa uli ni Sam.

"Ganyan ganyan din kami ng mama mo nuon, lagi kaming hindi magkasundo. Pero sa huli nagkasudo din." kwento ni papa.

Tahimik lang ako na nakikinig sa kanila,

"Sa dami ng nanligaw kay Mari nuon, kapag nalalaman mo, kung ano-anong sinasabi mo sa manliligaw nya. kaya hindi na natutuloy manligaw eh." Nagulat ako na alam pala ni Sam ang ginagawa ko nuon para hindi lang maligawan si Mari.

"In love pala ang panganay ko. Hahahaha..." Sabi pa ni papa. Hiyang hiya ako sa harapan nila dahil nalaman nila ang pinag gagawa ko nuon.

End of flasback..

Pero ngayon nakita ko na uli si Marileigh, parang sumigla na ang puso ko, panahon na siguro para maging mabait naman ako sa kanya. Bago pa sya makahanap ng iba, at sabihin pa nyang yun na ang future husband na hinahanap nya.

"Samraz, ikaw pala." Sabi ni Anton ng makita ako na nakaupo sa sofa. "Kamusta?"

"Okay lang Dre." Nakangiting sabi ko. Matagal din kaming hindi nagkita.

"Hindi ko alam na pupunta ka dito."

"May aasikasuhin lang ako."

"Kaylan ka pa nakauwi?"

"Kanina lang, tumuloy muna ako dito, nakiusap ako kay Nay Precy, medyo, maalikabok ang bahay namin."

"Grabe... Sabi ni Mari mukha ka na raw dracula ngayon." Pabirong sabi nya. Pero yun ang bansag sakin ng babaeng yun.

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now