Chapter 15

123 7 0
                                    

Marileigh Pov

Nang makarating kami ng airport binitawan na rin nya ang kamay ko. Nag park sya sa parking lot at nauna na akong bumaba sa kanya. Dahil baka sya pa ang magbukas ng pinto para sakin. Hindi ako sanay.

Nauna rin akong naglakad sa kanya. Ayoko syang kasabay. Pero sa bilis nyang maglakad nahawakan na naman nya ang kamay ko at nakipag holding hands.

"Ano ba Raz? Bitawan mo nga kamay ko!" inis kong sabi sa kanya.

"No! First day natin ito diba?" sabi pa nya at lalong hinigpitan ang paghawak nya sa kamay ko.

"Baliw ka na ba? Mamaya nyan bigla na lang tayo makita ni Samira na magkaholding hands!"

"Eh ano naman sa kanya?" sabi pa nya. Nang makapasok na kami sa loob.

Agad namin nakita si Samira. Kumaway ako. Pero nakakapagtakang hindi nya kasama ang gwapo nyang boyfriend.

"Sam!!!" nakangiting tawag ko sa kanya. Dali-dali kaming lumapit na hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. "Ano ba Raz?! Uso ang bitaw."

"Pag sinabi kong ayoko. Ayoko."

"Ano yan?" tanong ni Sam at tinuro pa ng nguso nya ang kamay namin ni Samraz na magkahawak.

"Baliw na itong kapatid mo Sam." sabi ko. "Pero sobrang na miss kita." sabi ko pa sa kanya at niyakap ko sya. Kaya napabitaw si Samraz ng hawak sa kamay ko. "Bakit hindi mo kasama ang gwapo mong boyfriend?" tanong ko sa kanya pero biglang lumungkot ang mukha nya.

"Mahabang istorya."

"Paigsiin natin." sabi ko sa kanya at ngumiti.

"Lets go." sabi ni Samraz.

Habang nakasakay kami sa kotse pauwi. Bakas sa mukha ni Samira ang lungkot. Gustuhin ko man syang intrigahin pero baka malungkot pa sya uli.

"Samraz. Duon ako kila Mari tutuloy." malamig nyang tugon.

May problema ba sya?

Sa bahay kami tumuloy. Pagkapasok pa lang namin sa loob, sinalubong na sya ni lolo at lola.

"Kamusta Mira?" tanong ni Lola ng makaupo kami sa sofa. Mira ang tawag nya kay Samira. Kaya.parang may kambal na rin ako.

Ako na bilang Mari, at sya na bilang Mira. Tutal kapatid na rin naman ang turingan naming dalawa.

Nakasandal pa ito sa upuan na tila walang interest sa kahit na anong bagay. Ganon sya pag may problemang dinadamdam.

"Okay na ba kayo ng lolo mo?" muling tanong ni Lola. Umiling lang ito. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya dahil hindi ko sya nakakausap madalas simula ng makauwi ako dito sa cebu.

"Okay na po ang guest room." sabi ni Ate Gina. Isa sa mga kasambahay namin.

"Pwede na ba ako magpahinga?" tanong nya kay lolo at lola.

"Sige hija. Feel at home. Wag kang mahiyang tawagin si Gina kung may kailangan ka." sabi ni lolo.

"Sige po salamat." sabi nya at agad na umakyat sa taas, kung saan naroon ang isa pang guest room.

"Lolo. Ano po bang nangyari? Bakit parang ang lamig po ni Samira?" tanong ko.

"Ang totoo nyan apo. Nung welcome party ni Chairman Chavez, ipinakilala ni Mira ang boyfriend nya, at tumutol ito at hanggang ngayon hindi pa rin tanggap."

"Ganon ba. Hindi ko alam na may ganon pala syang pinagdadaanan ngayon." malungkot kong tugon. "Pero bakit wala kang nabanggit sakin ha!" inis kong tanong kay Samraz na nakaupo sa single couch.

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now