Chapter 24

215 12 0
                                    

Marileigh Pov

Habang nagkakasiyahan, niyaya ako ni Samraz na lumabas muna. Nagpunta kami sa tabing dagat kung saan ginanap ang wedding vow nila Samira at Reid.

"Napakaganda ng kasal nila. At napaka-romantic." nakangiting sabi ko habang naglalakad kami, niyaya nya akong maglakad sa red carpet. Naka holding hands kami.

Kinikilig ako. Ewan ko ba, di ko na naman alam pano ko itatatago ang kilig na ito. Hanggang sa makarating kami sa altar kung saan nagsumpaan sina Samira at Reid na sobra kong iniyakan.

"Pakasalan mo ko. Hindi lang ganitong kasal ang ibibigay ko sayo." seryosong sabi nya.

"Baka naman, horror wedding ang motif mo. Wag na lang."

"Puro ka horror. Yung place ko ba sa cebu, hunted house ba?" tanong nya.

Pinakamagandang lugar na napuntahan ko. Na una kong naramdamang tumibok ang puso ko ng sobra para sa kanya.

"Well.. Hindi naman. Yun na yata ang pinaka magandang lugar na napuntahan ko."

"Mas marami ka pang magagandang lugar na mapupuntahan kung ako ang kasama mo." seryosong sabi nya at hinawakan ang kamay ko.

May dinukot sya sa bulsa ng pants nya at bigla syang lumuhod.

Teka? Mag popropose ba sya? Tanong ko sa isip ko.

"Can you be my Frenemy? Until my last breath of my life?" binukasan nya ang maliit na kahita. Bumungad ang isang diamond ring na sunflower.

"Ehh. Bakit frenemy?"

"Tch! Akala ko naman alam mo ang meaning nun?" inis nyang tanong. Mukhang epic fail ang propose nya.

"Ano bang meaning nun?"

"Frenemy, tawag din sa mag-asawa na always fighting but still in love in the end."

"Ah ganon ba yun. Hindi ko alam eh."

"Hay naku naman! Ano? Will you marry me?" inis nyang tanong.

"Nagpopropose ka na nga lang galit ka pa."

"Ang tagal mong sumagot eh. Saka nangangalay na ako dito. Kung may nakatingin lang satin. Mapapahiya ako."

"Sus! Iniisip mo pa yang image mo! Hindi ka nga nahiya ng ligawan ka ng babae. Ngayong nakaluhod ka jan para mag propose sakin nahihiya ka pa."

"Ang dami mo naman dada." natatawa ako sa mukha nya na nakasalubong na naman ang kilay nya kaya inayos ko at inilahad ang kamay ko sa kanya. Hudyat na pumapayag na ako.

"Umhhp!" sabi ko habang pinapagalaw ang mga daliri ko sa kamay.

"Yes or no?" tanong pa nya.

"Of course YES!" sabi ko at ngumiti na sya. Inilagay nya ang singsing sa palasinsingan ko. Tumayo sya at niyakap ako at hinalikan sa labi.

Ang sarap talaga ng mga halik nya na yun. Kilig na kilig ako. Kaya gumanti ako ng halik sa kanya at mahigpit na yakap.

"I love you Mari.." bulong nya habang nakayakap sakin.

Sa isang banda, napansin ko si Samir, hinahabol si Jayla.

"Teka Raz. Si Samir, hinahabol si Jayla, mukhang nagtatalo sila." sabi ko at bumitaw sya sa pagkakayakap.

"Tch! Kanina pa sya ganyan, kamuka daw ng babae na yun si Dhalia."

"Kahit ako eh. Yun din ang tingin ko. Pero sabi nya wala naman daw syang kakambal." kwento ko pa.

///

Rinig namin ang pagtatalo nila. Para silang mag jowa at may love quarrel samantalang ngayon pa lang silang dalawa nagkita.

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now