Chapter 9

131 9 0
                                    

Marileigh pov...

Umuwi ako ng bahay na hindi ko naikalma ang sarili ko. Dumaan uli ako sa likod bahay kung saan naroon ang kusina. Agad akong kumuha ng malamig na tubig at ininom ko yun.

"Nakapag jogging ka na ba hija? Parang ang aga mo yatang natapos, kakasikat pa lang ng araw?" Tanong ni Nanay Precy ng makita ako sa kusina.

"Nawalan po ako ng gana ngayon." Malungkot kong sabi, sabay upo sa upuan na naroon at yumuko sa mesa.

Ito na yata ang masamang araw ko ngayon dito sa cebu. Parang hindi na ako makakapag enjoy. Lalo na nandito si Samraz.

"May nangyari bang hindi maganda sa labas at bigla kang naging malungkot jan." Tanong ni Nanay Precy.

"Wala naman po. Pero, hindi na talaga sya magbabago. Napakasama po talaga ng ugali nya."

"Sinong masama ang ugali?" Muling tanong nya.

"Ah wala po wag nyo na lang po ako intindihin." Sabi ko at inangat ko na ang mukha ko at sinandal ko ang likuran ko sa sandalan ng inuupuan ko.

"Gusto mo na bang kumain?"

"Wala akong gana Nay. Sige po. Aakyat na po ako sa kwarto ko. Gusto ko munang magpahinga." Tumayo na ako. Para isang buong araw na ang nasayang ko, gayong dalawang oras pa lang ang nakakalipas pero pakiramdam ko, drain na ako.

Nakita ko si Samraz na kapapasok pa lang ng pintuan. Tinignan ko lang sya pero hindi ang mukha nya. Nakatingin lang ako sa dibdib nya.

Chineck ko kung tumitibok pa ba at kung may puso pa. Dahil sa mga ginagawa nya sakin, sa mga salita pa lang, mukha na syang walang puso.

Sa talim nyang makatingin sakin nuon, ganun din katalim ang pananalita nya hanggang ngayon na nakakahiwa ng damdamin. Siguro kahit pusong bato, kaya nyang hiwain sa salita pa lang nya.

Ilang taon na syang ganon sakin. Wala naman akong masamang ginawa sa kanya. Pero ang turing nya sakin isang kaaway.

Nakakapagod pala makipagtalo sa kanya. Gusto ko lang naman sya maging kaibigan katulad ng kambal pero hanggang ngayon. Ang sama pa rin ng trato nya sakin.

Parang maiiyak ako sa sarili kong iniisip kaya hindi ko na lang sya pinansin at umakyat na sa kwarto ko.

Ang bigat ng loob ko. Kahit ganito rin ako sa kanya, na palagi akong nakikipagtalo sa kanya ay tinuring ko pa rin syang kaibigan. Kaya nga ako nasasaktan simula pa nuon dahil, ayaw nya maging friend kami.

"Hay ewan! Bakit ba ako nagpapa-apekto. Relax Marileigh. Kung ayaw nyang maging kaibigan ka. Edi hayaan mo sya." Sabi ko sa sarili ko habang nakahiga sa kama.

Saka ang kapal nya at sabihin nya kay Branden na girlfriend nya ako. Yak! Sa ugali nun, hindi sya ang gugustuhin ko.

Kinuha ko ang Mp3 player ko at inilagay ko ang headset sa tenga ko. Parang gusto kong mag sountrip na lang at kumanta, kaysa masira ang araw ko.

Lahat ng song sa Mp3 player ko mga paborito kong kanta. So ganahan gyud ko mokanta. Wala akong pakealam kung mapangitan sila sa boses ko.

🎶 Kung mang uyab ka kanako
Kun gusto jud kang ma ako
Paminawa ning kantaha dong...

Oy bae ko dong, rayna sa prosisyon 
Ug dili gyud sayon kada buwan kong dug-on
Mao nang pagtarong ako respitohon 
Dili binuangan, dili pasakitan ah!

Kung manguyab ka 
Unaha si mama , kay sya ang nag buhi ug nag anak na'ko ha 
Dili palamokan pinangga kaysa tanan,
Adto sa balay kang papa pag husay

Accidentally In Love with my Frenemyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें