Chapter 4

159 10 1
                                    

Marileigh pov

Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa closet, kumatok si Nanay Precy para maghapunan na.

Sa isang malaking table, isang plato lang nakalapag, plato na para lang sa akin.

Pch!Daig ko pa ang nagluluksa ng ganito, nag-iisa na naman ako.

"Nay!" tawag ko kay Nanay Precy.

"Ano yun?"

"Tawagin nyo po ang ibang kasambahay, sabayan nyo po akong kumain."

"Naku senyorita. Nakakahiya."

"Sige na po, pati po si Anton. Hindi po kasi ako sanay kumain mag-isa."

"Ganon ba. Oh sige kung yan ang gusto mo."

"Salamat po.." nakangiting sabi ko.

Agad naman na lumapit isa-isa ang kasambahay namin, mga lima lang naman sila pang-anim si Nanay Precy. Ngunit hindi nya kasama ang anak nya na si Anton. Dahil nauna na raw itong kumain.

Masaya akong kumain kasabay nila. Samantalang sila, nahihiya pa sakin. Kung tutuusin hindi naman ito ang unang beses na pinasabay ko sila kumain.

Nang matapos ang hapunan ay agad akong bumalik sa kwarto ko. Syempre para mag beauty rest.

Tapos na rin akong maligo kaya nasa harapan na ako ng salamin para sa night routine ko. Ang mag lagay ng beauty products.

Maganda naman ako, pero bakit wala pa ring nagkakamali sakin. Kakainis.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Ang tahimik kasi ng bahay.

Sino naman kaya itong tumatawag sakin at number lang. Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko sinagot ang tawag hanggang sa tumigil ito.

Muli na namang tumunog ang cellphone ko, ilang ulit na tinatawagan ako.

Masyadong abala ako sa ginagawa ko kaya wala akong time sagutin ang tawag ng unregistered number lang.

Kung importante ang sadya mo sakin, magtext ka muna, pero kung hindi naman, bahala ka sa buhay mong tumawag kung sino ka mang nilalang ka.

Hindi ko kasi ugaling sumagot ng tawag na hindi muna ako ititext para sabihing importante ang sadya nya. Syempre, paimportante kaya ako.

Halos na ririndi na ako sa ingay ng cellphone ko.

King ina kasi! Hindi ba to marunong magtext at puro tawag na lang ang ginagawa.

Sa inis ko ay wala na akong nagawa kundi sagutin na lang.

"Hello!!" galit kong sabi sa kabilang linya. Halos gusto kong pagdabugan kung sino man tong makulit na tumatawag sakin.

"Hoy witch!! Hindi mo ba alam kung paano gamitin ang cellphone?" inis na tanong nito sakin.

Ako? Witch? Sino to? Si dracula?

Nagtatakang tanong ko sa sarili ko. Wala naman ibang tumatawag nun sakin kundi yung dracula na yun. Hindi ko naman inaasahan na tatawagan ako ng dracula na yun ng 45 times.

"Sino ka ba?" tanong ko.

"Frenemy mo!" galit na sabi nya. Tama ang hula ko.

"Oh! At bakit napatawag ka? Hindi ka ba marunong magtext kung importante?" inis kong tanong.

"Tch!" singhal nya.

"Hindi pa nga ako nasisikatan ng araw dito, na miss mo na ako agad?" pabirong sabi ko at pinagtawanan ko pa sya.

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now