Chapter 12

122 11 0
                                    

Marileigh pov..

Matutulog na lang ako lahat lahat, si Samraz pa rin ang nasa isip ko. Pakiramdam ko, bumabagal ang oras kapag kaharap ko sya.

Wait! Ano ako? Inlove?! At ganito na lang ang epekto sakin ng dracula na yun.

"Pero hindi. Hindi pwede. Ayoko sa kanya. Hindi sya ang type ko. Pero bakit ganito nararamdaman ko?"

No. No. No. Isipin mong aksidente lang ang lahat ng nangyari. Mawawala din ito.

"Pero.. Pero... Inlove na ba talaga ako agad sa kanya? Nakakahiya. Agad agad? No. Hindi pwede!"

Para akong baliw na kausap ko ang sarili ko. Hindi ko kasi maintindihan itong nararamdaman ko. Masyado na yata akong feelingera.

"Nakakahiya. Paano ako haharap sa kanya bukas, dahil lang sa sinabi nyang gusto nya ako."

Piste mapupuyat na naman ako kakaisip.

K i n a b u k a s a n . . .

Maaga ako nagising kahit wala ako gaanong tulog sa kakaisip. Sumasakit lang ulo ko. Bumangon ako at pumasok sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush.

Hinayaan kong ilugay ang buhok kong mas sabog pa sakin. Para makahinga naman. At dahil sa puyat ko may eyebags na naman ako.

"Sa ganitong itsura ko ba magugustuhan mo pa rin ba ako?" tanong ko sa harap ng salamin.

Nag half bath lang ako. Hindi ako naligo dahil ang sakit ng ulo ko at puyat ako. Suot ko ang crop top tshirt na color white at maong short na jumper.

Agad akong bumaba, pero di ko inaasahan na mas maaga pa pala sakin nagising sina lolo at lola. Nakaupo sa sofa habang umiinom ng tsaa.

"Good morning." bati ko sa kanilang dalawa.

"Good morning apo." bati ni lola. "Hindi ka ba masyadong nakatulog kagabi?"

"Nakatulog naman po."

"Bakit ganyan ang itsura mo. Mukhang di ka nakatulog." sabi pa nya. Matanda na sya pero malinaw pa ang mata nya.

"Iniisip ko lang po ang susuotin ko sa party." pagsisinungaling ko. "Sige po, mag-aalmusal po muna ako." sabi ko at dumeretsyo ako sa kusina para duon kumain.

"Nay. Fried rice po at fried egg, ham and bacon. Samahan nyo na po ng kamatis at dried fish." utos ko.

"May problema ba?" tanong nya.

"Wala po. Masakit lang po ang ulo ko." sabi ko.

Itinaas ko ang dalawang paa ko sa upuan. Sumandal ako sa sandalan ng aking unuupuan sabay tumingla at pikit ng mata.

"Kulang ka sa tulog?" tanong nya.

"Opo. Kaya po sumasakit ang ulo ko."

"Teka. Ipagtitimpla kita ng kapeng barako."

"Baka hindi po ako makatulog nyan."

"Maganda ang kapeng barako sa sakit ng ulo. Sa susunod gagawa ako ng tinutong na bigas para iyon na ang ikape natin parehas." sabi pa nya.

Naramdaman ko na may humihilot sa sintido ko, at minamasahe ang ulo ko, dahil dun parang gusto ko ulit matulog.

Ang sarap naman nakakarelax.

"Nay pati po sa batok ko." sabi ko habang nakapikit at hinawi ang makapal kong buhok, para lumitaw ang batok ko. "Yan. Narerelax ako Nay."

"Oh ito na ang kape mo." sabi ni Nanay Precy, narinig kong nilapag nya ang tasa sa lamesa. Kaya napadilat ako.

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now