Chapter 17

115 11 0
                                    

Marileigh pov

Agad akong bumangon at nagpunta sa banyo para maghilamos at mag toothbrush, nang maalala ko ang sinabi ni Samraz kagabi, na si Reid ay nasa sunflower farm na nya.

Kaya nagmadali ako at agad agad akong lumabas ng kwarto para puntahan si Samira na hindi pa nag susuklay ng buhok at ang suot ko ay pantulog na sando at short lang.

"Sam! Sam!" tawag ko, nang nasa harap na ako ng pinto ng kwarto nya, agad kong binuksan ang kwarto ni Sam.

Hindi ko alam na naroon pala si Samraz sa loob at kausap si Samira. Bigla na naman ako kinabahan ng tumingin sakin si Samraz.

"Mari. Come. Tamang tama may pinag-uusapan kami." sabi ni Samira.

"M-mamaya na lang siguro." isasara ko na sana ang pinto ng biglang hinatak ni Samraz ang kamay ko. Nagkatitigan kami sa mata nang isinara nya ang pinto ng kwarto ni Samira.

Wala sa isip kong mabilis kumilos ang dracula na ito. Halos magdikit ang aming katawan.

"Lalabas ka ng ganyan ang suot mo? Hindi mo ba napansin maraming tao sa labas na nag-aayos ngayon para sa celebration mo." sabi nito. Halos mapahiya ako sa harapan nya. Naalala ko, wala akong suot na bra. Kaya naisubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya sa hiya.

"Kainis ka naman. Parang ipinahiya mo na rin ako kay Sam." sabi ko pa. Narinig kong tumawa si Samira.

"Maupo ka muna Mari. May pag-uusapan tayo." sabi ni Samira kaya tinignan ko muli si Samraz at tinulak sya. Agad akong sumampa sa kama at nagtaklob ng kumot.

"Sam.. May plano ako." sabi ko ng biglang tumabi si Samraz sa akin. Pero hindi ko na sya pinansin.

"Sige. Anong plano mo?"

"Tutal, masquarade party naman ang theme ko. Pwede nyong papuntahin si Reid dito sa party ng walang nakakakilala o nakakakita sa kanya."

"Napag-usapan na namin yan kanina." sagot ni Sam.

"Ganon. Huli na pala ako." nakangusong sabi ko.

"Pero, malaking tulong ang party mo Mari. Para magkita uli kami ni Reid." nakangiting sabi pa nya. Parang sa ganong paraan. May naitulong na ako sa kanya.

"Oh sya. Kung may maitutulong pa ako sayo Sam. Magsabi ka lang sakin." nakangiting sabi ko pa at saka tumayo na nakabalot ang kumot sa katawan ko.

Tumayo rin si Samraz at bigla akong binuhat na parang baboy.

"Ui! Ibaba mo ko!" sabi ko kay Samraz. Tinignan ko si Samira na panay ang tawa nito.

Lumabas kami ng kwarto ni Samira at agad nya ako dinala sa kwarto ko. Halos ihagis nya ako sa kama na nakabalot pa ako ng kumot. Kinabahan pa ako ng i-lock nya ang pinto ng kwarto ko.

"T-teka. Raz.. P-pwede mo na akong iwan dito." kinakabahan kong tugon habang tinatanggal ko ang pagkakabalot ng kumot sa katawan ko ng biglang sumampa sya sa kama.

Napahiga ako ng sumampa sya sa ibabaw ko.

"T-teka Raz. A-ano bang ginagawa mo?" utal kong tanong. Pero lumapit ang mukha nya sa akin at siniil nya ako ng halik.

Ramdam ko ang bigat katawan nya na dumag-an sya sa akin. Halos malunod ako sa halik nya. Halik na pinaramdam nya sakin kagabi.

"I love you Marileigh." bulong nya sa tenga ko. May kung anong kuryente ang gumapang sa buong pagkatao ko.

Muli nya akong hinalikan. Hindi ko alam kung paano gantihan ang halik na bumubuhay sakin. Parang gustong gusto ko ang ginagawa nya. Kakaiba sa pakiramdam ko, parang ang sarap.

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now