Chapter 8

123 9 0
                                    

Marileigh pov

Maaga ako nagising kinabukasan para mag jogging. Suot ko ang sport tank sando na kulay black, na terno ang sport leggings at running shoes. Naka braid na rin ang buhok ko.

Agad akong lumabas ng bahay, hindi pa sumisikat ang araw kaya maabutan ko pa ito hanggang sa pagpunta ko sa park.

Makikita ko na ulit si Bradpitt o Branden, o kung ano man ang tunay nyang pangalan. Hindi ko naman sya crush, excited lang ako makita sya dahil, magkakaroon na ako ng bagong kaibigan.

Nag streaching muna ako bago ko simulan mag jogging. Pagkatapos ay huminga ako ng malalim. Naamoy ko ang familiar na pabango. Ang bango talaga nun, pero ang nakakainis lang, ay pagmamay-ari ni Samraz yun. Kaya agad akong lumingon.

Nasa tapat sya ng pinto namin, nakasandal at naka cross arms pa. Suot ay black tshirt na may hood, terno na jogger pants  at suot ang mamahalin nyang white rubber shoes. Mukhang mag jo-jogging din.

Mukhang dracula. Talagang naka hood pa. Proteksyon para sa araw. Hahaha...

"Anong ginagawa mo jan?" Mataray kong tanong.

"Hinihintay kitang matapos mag streaching para mag-umpisa na tayo mag jogging." nakangiting sabi pa nya. Kinagulat ko naman dahil, himala na hinihintay nya ako. Hate kasi nya ang maghintay.

"Sinong nagsabi na kasama kitang mag jogging. Mag jogging ka mag-isa mo." Sabi ko at inunahan ko na syang mag jogging.

Habang tumatakbo ako, nakasunod lang sya sa akin na naglalakad.

Magjo-jogging daw eh wala naman syang ginawa kundi maglakad lang.

Nakarating ako kaagad sa park. Mabuti na lang wala ng nakabuntot sakin.

Binisita siguro ang bahay nila ng madaan namin.

Umupo ako kung saan ako umupo kahapon para magpahinga saglit.

Maya-maya lang nakita ko ang mga nag jogging din kahapon. Mga lima sila at isang grupo.

"Hi. Nagkita uli tayo." sabi ni Bradpitt.

"Hi. Oo nga eh. Mabuti at nagkita uli tayo." sabi ko at tumawa ng peke. Nauna na kasing mabadtrip ang araw ko.

"Baka gusto mo sumama sa grupo namin?" sabi nya at tinuro ang mga kasama nya. "May fitness club ako. Baka gusto mo maging member."

"Babe!" sigaw ni Samraz. Kumaway pa ito at mukhang sa amin nakatingin.

Nakashades kasi sya kaya hindi ko matukoy kung ako ba ang tinatawag nya. Nang tumingin ako sa paligid, wala naman tao sa likuran ko. Tanging si Bradpitt lang ang kasama ko.

Oh my god! Hindi kaya. Si Bradpitt ang Babe nya??? Nagugulat ako sa sarili kong iniisip.

"Babe." muling sabi nya ng makalapit na ito sa amin. Pero sakin sya nakatingin.

Kunot noo ko syang tinitigan. Hindi ko alam kung, gutom lang ba sya, o antok pa at ako. Ang tinatawag nyang Babe.

"Boyfriend mo?" tanong ni Bradpitt.

"H-hindi.. Hehehe" sabi ko.

"Babe. Bakit mo naman ako iniwan? Bumili ako ng bottled water alam ko nauuhaw ka na." sabi pa nya ng makalapit na ito sakin.

Anong pinagsasabi ng lalaking 'to.

Bago nya inabot ang bottled water sakin ay binuksan nya muna ito.

"Nauntog ka ba?" inis kong tanong. At pahablot kong kinuha ang bottled water sa kanya.

Halatang sinadya nyang bumili ng bottled water. Isang himala na kasi yun. Wala kasi syang pakealam sakin. Mukhang ngayon lang.

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now