Chapter 10

124 9 0
                                    

Marileigh pov..

Buong maghapon hindi ko nakita si Samraz. Kahit na nung magtanghalian wala sya. Simula nung lumabas sya ng bahay hindi pa sya umuuwi ngayong magdidilim na lang.

Nang matapos akong maghapunan wala rin sya. Hindi naman nya ako katulad na walang pakealam. May pake pa rin naman ako sa kanya kahit na madalas kaming mag-away.

Lumabas ako ng bahay at nagpunta sa kanila. Gusto ko kasing masigurong nanduon nga sya. Nang hindi ako nag-aalala ng ganito. Wala naman masamang mag-alala.

Sa bakuran pa lang ng bahay nila nakita ko na si Mang Kaloy.

"Senyorita Mari." bati nito sakin. "Maayong gabii."

"Maayong gabii. Nandyan po ba si Samraz?"

"Umalis po, dala po ang kotse nya. Dili pa mubalik."

"Saan po nagpunta?"

"Hindi ko po alam. Kanina pa pong umaga umalis."

"Ah ganon po ba. Sige po, daghan salamat." sabi ko at muling naglakad pabalik ng bahay.

Biglang humangin ng malakas, tila uulan dahil walang ring mga bituin. Natabunan ng makakapal na ulap.

Nang makapasok ako ng bahay agad akong nagtungo sa kwarto ko.  Narinig ko ang biglang pagbagsak ng ulan.

Umuulan na, nakauwi na kaya sya? Tanong ko sa isip ko.

Kinabukasan, maaga ako nagising, huminto rin ang ulan. Agad akong bumaba at nagpunta sa kusina. Naabutan ko si Nanay Precy na naghahanda ng agahan.

"Nay. Umuwi po ba si Samraz kagabi?"

"Hindi hija."

"Himala hinahanap mo si Samraz?" biglang sabi ni Anton. Nakabihis na ito para pumasok sa trabaho.

"Hindi naman himala yun. Kahit sino naman na biglang nawawala ay talagang hahanapin ko. Yun pa kayang dracula na yun."

"Eh bakit mo ba hinahanap?" Tanong ni Nanay Precy.

"Hindi po kasi sya umuwi sa kanila kagabi. Umalis daw at di pa nakakabalik."

"Nag-aalala ka?" Tanong ni Anton.

"Malamang. Hindi naman ako tulad nun na walang pag-aalala noh."

"Daig mo pala ang asawa, naghulat sa bana sa pagpauli." Natatawa na sabi ni Anton. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Pch! Ikain mo na lang yan at gutom ka lang." inis na sabi ko sa kanya.

Nang matapos akong mag agahan, lumabas ako ng bahay at pumunta sa bahay nila Samraz. Wala pa rin ang kotse duon kaya sigurado akong hindi pa iyon nakakauwi.

Hindi kaya, umuwi na sya sa mindoro ng hindi nagpapaalam? Akala ko makakasama ko sya sa araw ng birthday ko sa linggo?

Habang naglalakad ako pauwi, may bumisina sa likuran ko kaya napagilid ako ng husto sa dinaraanan ko.

Grabe naman. Wala naman ako sa gitna ng daan.

Hindi ko na pinansin ang kotseng itim pero hindi naman ito lumagpas sakin. Muli itong bumisina ng tatlong beses.

Sa inis ko. Nilapitan ko ang sasakyan na biglang huminto malapit sakin.

"Ano bang problema mo! Nasa gilid na ako ng daan panay pa ang busina mo!" inis kong kinatok ang bintana ng sasakyan, agad naman itong binuksan. Nagulat ako na si Samraz ang naroon.

"Hey!" sabi nito. "You miss me?" nakangising sabi pa nya.

"Miss mo mukha mo!" hindi ko talaga sya namiss. Nag-alala lang kaya magkaiba yun.

Accidentally In Love with my FrenemyМесто, где живут истории. Откройте их для себя