Chapter 13

123 9 0
                                    

Marileigh pov...

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang naiba ang pakikitingo sa akin ni Branden samantalang mukha naman syang mabait. Pero simula nung magkita sila ni Samraz. Bigla syang nagbago.

Napapikit na lang ako. Parang lahat ng lakas at tapang ko kanina bigla na lang nawala.

"Bitawan mo sya!!" Sabi ng isang boses lalaki. Nakita kong sinapak nya si Branden kaya bumagsak ito sa lupa.

Nagulat ako ng makita ko si Samraz iyon. Sinugod nyang muli si Branden ng bumagsak ito sa lupa. Hinawakan nya ang damit nito.

"Wala kang karapatan bastusin ang babaeng mahalaga sakin!" sabi nya at muli nya itong sinapak.

Mahalaga? Mahalaga ako sa kanya?

"Hahaha! Akala mo ba hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa kapatid ko?" nakangising sabi ni Branden at muli na naman nya itong sinapak.

"Raz! Tama na. Please." sabi ko at pilit ko syang itinatayo para mabitawan nya si Branden. Tumayo naman sya. Aamba sana sya uli pero inawat ko sya. Napayakap ako sa kanya para tumigil sya. Saka ko sya binitawan.

"Wala akong ginawa sa kapatid mo!"

"Anong wala? Hindi mo ba naalala ang ginawa mo kay Bianca three years ago?" Galit na sabi ni Branden.

3 years ago? Yun ba yung mga panahon na hindi ko sya makita nuon, kahit iisa lang ang work place namin? Tanong ko sa sarili ko.

"Parehas kayong baliw. Wala akong ginawa kay Bianca!" galit na sabi ni Samraz.

"Wala?? Eh diba. Sinaktan mo lang naman ang damdamin nya! Minahal ka nya pero anong ginawa mo! Iniwan mo pa rin sya!"

"Ano bang pinagsasabi mo dude? Kung sinaktan ko sya, dapat nung una mo ko nakita, sinapak mo na ako." tanong ni Samraz. Ngunit lumapit si Branden at gumanti ng dalawang sapak dahilan para pumutok ang labi ni Samraz.

"Oh ayan! Yan ang ganti ko! Kulang pa yan! Chavez! Magsisisi ka kapag nagkita uli kayo ni Bianca!" Pagbabanta pa nito.

"Kahit kaylan wala akong pinagsisihan. Wala akong pake kung magparetoke pa sya o ano man ang gawin nya sa sarili nya!" sagot ni Samraz at muli syang sinapak ni Branden.

"Pwede ba! Tama na!" sigaw ko at lumayo na ito samin.

Naguguluhan na talaga ako. Ang daming tanong sa isip ko. Sino si Bianca?

"Tara na!" sabi nya sakin. Hinawakan ng mahigpit ang kamay ko at naglakad kami pauwi. "Sino bang nagsabi sayo na lumapit ka sa lalaking yun?" inis nyang tanong.

"Teka lang Raz. Sino si Bianca?" tanong ko pero sinamaan nya ako ng tingin. Kapag ganon ang reaksyon ng mukha nya. Ibig sabihin lang nun, ayaw nyang pag usapan. "Hay naku! Tara! Dalian natin gagamutin ko yang sugat mo." sabi ko at hinahatak ko na sya pauwi hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Mas malapit kasi ang bahay nila sa park kaysa sa amin.

"Senyorito anong nangyari sa inyo?" tanong ni manang.

"Manang, pakikuha po ang first aid kit at ice bag." utos ko ng makaupo kami sa sofa.

"Opo Senyorita."

"Tch! Ano bang naisipan mo ha! At talagang nakipagkita ka sa lalaking yun?" muling tanong nya. Napangiwi sya dahil sa pumutok ang labi nya ng sapakin sya.

Agad naman nilapag ni Manang ang first aid kit sa mesa. Kinuha ko ang ice bag at nilagay ko sa pisngi nya na may pasa.

"Hawakan mo." utos ko sa kanya at hinawakan ang ice bag.

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now