Chapter 20

131 9 0
                                    

(Warning: matured content.)

Samraz pov

Nagmadaling pumasok si Mari sa loob ng bahay nila. Agad ko naman hinarap si Bianca na pinupunasan ang sarili.

"Bitch talaga!!" rinig kong sabi nya.

"Pwede ba Bianca! Umalis ka na! Nasira mo na ang party ng Fiancé ko!"

"Fiance? Talaga ba!"

"Wala kang pinagkaiba sa kapatid mong bakla!!" inis kong sabi sa kanya at sa sobrang galit ko hinawakan ko ang braso nya.

"Pwede ba! Bitawan mo ko. Nasasaktan ako!" sabi nya kaya patulak ko syang binitawan.

"At kung may pangit man dito ngayon sa party na ito! Ikaw yun Bianca! Ikaw yun! Mula panlabas hanggang sa loob mo! Napakapangit!" sabi ko at tinalikuran ko na sya.

Agad na pinatapos ni Tito Ronleigh, ang daddy ni Mari, ang party.

Nagmadali akong pumasok sa bahay nila at kinatok ang kwarto nya.

"Mari. Buksan mo." sabi ko pero hindi nya ako pinagbuksan ng pintuan.

"Pre. Anong nangyari?" tanong ni Anton. Kasama nya si Samira at Reid.

"Kasalanan lahat ito ni Bianca."

"Sinong Bianca?" tanong ni Samira.

"Vianna ang pangalan nya nung elementary days kayo." paliwanag ko.

"Ah si Vianna. Kaaway namin ni Mari yun nung elementary kami, sya nga sumira ng ukelele ni Mari nuon." sabi pa nya kaya mas nag-alala ako.

"Mari. Buksan mo itong pinto. Kung hindi sisirain ko ito!" sabi ko at binuksan nya agad ang pinto.

"Bakit nandyan kayong lahat?" takang tanong nya.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko.

"Oo naman. Nag unwrapped lang ako ng mga regalo." sabi pa nya na parang walang nangyari.

"Tch! Samantalang ako nag-aalala kung baka galit ka sakin." inis kong sabi sa kanya. Lumabas sya ng kwarto nya, nakapagpalit na sya ng damit pero ang buhok ay ganon parin.

"Sinabihan ko si Dad na sya na ang magsabi na tapos na ang party." sabi nya habang naglalakad papunta sa sala.

"Oh hija. Okay ka lang?" tanong ni tito ng makapasok ito ng bahay, kasama si tita at lolo at lola nya.

"Okay lang naman po ako." sagot nya at sabay sabay na umupo sila sa sofa.

"Nga pala Samraz. Mukhang mali tayo sa hinala natin na at mga taong aali-aligid ay tao ni Chairman Chavez." sabi ni Chairman Gonzales.

"Anong ibig nyong sabihin?"

"May aali-aligid talaga na tao si Chairman dito ngunit isa lang, pero, wala na. Mukhang inalam lang siguro na kung talagang dito pupunta si Samira sa bahay at hindi makikipagkita kay Reid." paliwanag ni Chairman.

"Pero sino po yung mga lalaking nasa paligid ni Samira?" tanong ko.

"Hindi si Samira ang target, kundi ikaw."

"Ako?"

"Yes. Pero nahuli na sila ng mga tao ko. Kanina lang bago magsimula ang gulo."

"Sino ang nag utos?"

"Utos daw iyon ni Branden a.k.a Bradpitt."

"Tch! Ano kayang problema ng baklang iyon!"

"Baka naman pre, may gusto din sayo." natatawa na sabi ni Anton.

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now