Chapter 7

131 9 0
                                    

Marileigh pov

Nakita kong lumabas na ng bahay namin ang Dracula na yun. Sobrang kumulo talaga ang dugo ko ng sabihin na naman nya sakin na assumera at feelingera ako.

Lumingon sya sa gawi ko at ngumiti. Tila walang nangyaring alitan sa pagitan namin.

Hindi man lang humingi ng sorry ang lalaking 'to. Palibhasa pati pag sorry hindi uso sa kanya. Himala na lang kung bigla na lang sya mag sosorry sakin.

Nanatili ako sa loob ng kwarto ko at inayos ang buhok ko. Nakaharap ako sa salamin at pinagmamasdan ang itsura ko.

Kung tutuusin wala naman pangit sa buhok ko kung kulot man ito at sabog sa sobrang kapal. Nagagandahan pa nga ako sa buhok ko lalo na isa akong cosplayer.

Minsan naisip ko na rin, baka dahil sa buhok ko kaya wala pa rin akong jowa. Pero natatakot naman akong magalit si mommy kapag pina straight ang buhok ko.

Parehas kasi kami ni mommy ng itsura ng buhok pero sumobra ang sakin, natural na kulot ang kay mommy, at siguro di pa nya napapatuwid. Pero kung dahil lang sa buhok kong ito, ay habang buhay na akong tatawaging witch ng dracula na yun. Mabuti siguro mag parebond na ako.

Sumapit na ang tanghali at oras na para mananghalian. Agad akong bumaba at nagpunta sa dinning area.

"Nay. Nasaan po si Anton?" tanong ko kay Nanay precy.

"Maya-maya nandito na yun." sabi pa nya habang hinahanda nila ang hapagkaininan. "Oh, nandito na pala sila."

Sila???

Agad akong tumingin sa lugar kung saan nakatingin si Nanay Precy, kasama ni Anton si Samraz.

Tumingin sakin si Raz at ngumiti. Na dati hindi naman nya ginagawa tuwing magkikita kami, kadalasan pa nga ang sama ng tingin nya sakin, o di kaya, titingin sa iba para maiwasan lang nya na tinitignan ko sya.

Nakakatakot syang ngumiti. Nakakakilabot.

Umupo sya sa kabilang upuan at kaharap ko pa. Sa dami ng upuan na pwede nyang upuan sa harap ko pa talaga.

"Sumabay na po kayo Nay sa amin." sabi ko.

"Sige lang hija. Mauna na kayong kumain."

"Eh, tatlo lang kami."

"Nakakahiya po kay Senyorito Samraz." Sabi ni Ate Jing.

"Eh bakit naman kayo mahihiya jan? Dali na Nay, Ate Jing, mangaon ta."

Wala silang nagawa kundi sabayan ako sa pagkain, dahil kung hindi nila ako sasabayan pipilitin ko pa rin sila. Hahaha.

"Malapit na birthday mo, may plano ka?" tanong ni Samraz.

Himala at nagtatanong sya. Dati wala nga syang pakealam basta bigla na lang nya ako reregaluhan.

"Bakit mo natanong?"

"Next week na yun diba?" biglang sabi ni Anton.

"Oo, next week na nga pero busy sila mommy, hindi sila makakauwi dahil next week din ang launching ni mommy sa France."

"Baka naman magkaibang araw." Sabi ni Samraz.

"Ewan ko lang."

"I-celebrate na lang natin kahit wala sila." sabi ni Samraz.

"Bakit?"

"Dahil birthday mo?" sabi nya at ngumiti.

Ano bang nangyari sa lalaking ito at bigla bigla na lang ngumingiti. Kakaiba sya ngayon.

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now