Chapter 21

111 8 0
                                    

Marileigh pov

One month later......

Matapos ang nangyari sa amin ni Samraz. Walang araw na hindi sya tumawag sakin at nag iwan ng message. Pero hindi ko yun pinansin. Hindi naman siguro sya manhid para hindi nya maramdaman na galit ako sa kanya, matapos ng ginawa saking kahalayan, dahil pakiramdam ko, hindi nya ako nirespeto bilang babae.

Tanging ang tawag lang ni Samira ang sinasagot ko. Well. Okay na sila ng lolo nya. Natanggap na din sa wakas si Reid, kaya sobrang saya ko para sa kaibigan ko, para sa kanilang dalawa, at sa wakas malapit na rin silang ikasal."

"Ano apo. Babalik ka na sa mindoro?" tanong ni Lola.

"Opo lola. Tapos na po ang leave ko."

"Ayaw mo bang magtrabaho sa manila? Bilang model ko." sabi ni Mommy.

"Pag-iisipan ko po mom."

"Ang ganda talaga ng anak ko. Sigurado ako, lalong magkakandarapa si Samraz sayo." nakangiting sabi nya.

"Pch! Naku mom! Wag nyo na po sya babanggitin sakin. Sabi ko naman po sayo na hindi naman po kami."

"Tara na, ihahatid na kita sa airport. Next week sa manila kami mag stay kasama ang lolo at lola mo." sabi ni Daddy.

"Parang gusto ko tuloy sumama sa inyo sa manila." mahinang sabi ko. Parang naisipan kong mag resign para tuluyan ng hindi makita si Samraz.

¤ ¤ ¤ ¤

Ilang oras lang nasa mindoro na ako. At ngayon nandito na ako sa harap ng Sameer five star hotel. Kinakabahan ako. Maaga talaga ako nagpahatid dahil sa balita na may bagyo na darating.

Ibinaba ko ang suot kong shades at pumasok sa loob ng hotel.

"Good morning ma'am." bati ni Jonas. "Check in po?" sabi nya at binaba ko ang salamin kong suot. Nanlaki ang mata nya kaya natawa ako.

"Bakla ka. Ako ito." sabi ko sa kanya at tawang tawa ako sa itsura na na hindi makapaniwalang makita ako.

"Naku! Manager. Kayo po pala." sabi nya.

"Grabe ka. Nagpatuwid lang ako ng buhok di mo na ako nakilala." natatawang sabi ko.

"Oh my gosh Manager. Hindi talaga kita nakilala. Grabe naman ang ganda mo."

"Salamat.. Pero wag ka maingay kay Samira na nakabalik na ako ah."

"Wala si Samira ngayon, nasa batangas muna sya nag stay."

"Ano? Hindi man lang nya sinabi sakin."

"Pero sigurado ako, magugulat sina Sir Samraz at Sir Samir kapag nakita ka."

"Pch. Sige na. Akyat na ako ah." sabi ko at hila hila ang maleta ko.

Pagsakay ko ng elevator, kinabahan ako ng makita ko si Samraz na kausap ang isang tao dito sa hotel.

Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya, dahil ang totoo. Naramdaman ko ng mahal ko na sya.

Agad akong pumasok sa kwarto ko, at inayos ang gamit ko. Maya-maya lang, tumawag si Samraz, pero hindi ko pa rin iyon sinagot. Kaya ko syang tiisin.

8am pa lang ng umaga. Kaya naisipan kong matulog muna. Ganitong oras, natutulog na ang dracula na yun dahil, sa gabi sya sanay magtrabaho.

Ilang saglit habang nakapikit ako. Narinig kong tumunog ang phone ko, si Samraz pa rin, nag-iwan ng message.

Kelan ka babalik ng hotel! Tapos na ang leave mo!- Samraz.

Napangisi na lang ako, dahil sa parang sya pa ang galit.

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now