Chapter 22

122 7 0
                                    

Marileigh pov

Maghapon akong nagkulong sa kwarto. Mula sa salamin na bintana. Tanaw ko ang dagat, napakalakas pa rin ng ulan. Ngunit nakaramdam na naman ako ng pagkahabag nang makita ko si Samraz na nakaupo kung saan ko sya iniwan.

"Tatlong oras ka na nagpapaulan. Umalis ka na jan." kausap ko ang sarili ko habang malayong nakatanaw sa kanya.

Nakita kong sinundo sya ni Samir. Pero pinagtulakan lang nya ito at hindi pa rin umaalis. Parang nadudurog puso ko at sa pakiramdam ko nasaktan sya sa sinabi kong hindi ko sya mahal.

Agad akong bumaba at kumuha ng payong. Kahit malakas angbulan ay sumugod ako para pabalikin lang si Samraz sa loob ng hotel.

"Samraz. Pumasok ka na sa loob magkakasakit ka." kalmadong sabi ko ng nakalapit ako sa kanya.

"Leave me alone!!" sigaw nya sakin. Ramdam kong galit sya.

"Ikaw pang galit! Tumayo ka jan!" sabi ko sa kanya. Akala nya madadaan nya ako sa pagtatantrums nya.

"I said! Leave me alone!!! Pabayaan mo ko dito! Gusto ko mapag-isa! Gusto ko mag-isip!"

"Sa ilalim ng malakas na ulan! Ano ka nababaliw na!!" inis kong sabi sa kanya. Tumayo sya at humarap sakin.

"Tell me Mari!!" hinawakan mya ang dalawang balikat ko. "Ano bang gagawin ko para paniwalaan mo lang na mahal kita! Ano?!" sigaw nya.

"Pumasok ka sa loob! Kung mahal mo ko! Hindi mo hahayaan sarili mo na magkasakit!"

"No! Hindi ako papasok kung hindi mo sasabihin sakin na mahal mo rin ako!"

"Ah ganon! Edi wag kang pumasok! Bahala ka sa buhay mo! Manigas ka sa lamig. Matigas bungo mo eh! Bahala ka jan." sabi ko at tinalikuran ko na sya.

"Please Mari!! Sabihin mo sakin na mahal mo ko! Kung hindi! Magpapakalunod na lang ako dito." kinabahan ako sa sinabi nya. Pagkalingon ko malapit na sya sa dagat. Hinahampas na sya ng alon ng dagat.

Binitawan ko ang payong ko at patakbong lumapit sa kanya.

"Gago ka ba!!!! Nakakainis ka!! Umalis ka yan! Ang lakas ng alon!!" sigaw ko at pilit syang hinahatak at parang matatangay na rin ako sa hampas ng alon.

Mangiyak ngiyak na ako sa kaba at takot sa ginawa nya kaya sumunod na din sya.

"Gago ka ba ah!!!! Gago ka!!!" umiiyak na tanong ko sa kanya. "Talaga bang hindi ka marunong mag-isip Samraz!! Magpapakamatay ka! Naisip mo talaga yun! Sinabay mo pa sa galit na karagatan!" niyakap nya ako at narinig kong umiyak sya. Kaya napaiyak na rin ako.

"Sorry Mari... Sorry.. Please. Forgive me.." napahagulgol ako sa sinabi nya. At sa wakas na rinig ko na rin ang matagal ko ng gustong marinig sa kanya.

"Baliw ka! Sa tingin mo ba. Hahayaan kita magpakamatay jan! Kahit galit ako sayo. Hindi ko hiniling mamatay ka."

"Sorry Mari.. Sorry.." sabi pa rin nya.

Ang kilala kong Samraz na matapang, masungit, at suplado, iyakin rin pala.

"Tara na sa loob."

Sumama sya sa akin papasok ng hotel. Agad kaming binigyan nila Jonas ng towel.

"Saka na lang tayo mag-usap kapag kalmado ka na talaga." sabi ko sa kanya bago ako pumasok ng kwarto ko. Tumango lang sya at nagpunta na rin sa kwarto nya.

Muli akong naligo. Pakiramdam ko sisipunin na yata ako dahil sa ulan na yan.

///

Sa ikalaliman ng tulog ko.
Nagising ako na parang ang init. Pero malamig. Samantalang naka aircon naman ako. Pag lingon ko sa kabilang side. Nagulat ako may katabi ako sa higaan.

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now