Chapter 11

127 9 0
                                    

Marileigh pov..

Bago umuwi, ay inikot muna namin ang Farm. Sa sobrang laki ng paligid, napagod ako kaagad dahil na rin, hindi ako komportable sa suot kong flat sandals. Bigla bigla kasi sya nagyaya, kaya ako naman ang nagyaya na umuwi na.

Habang nasa byahe kami pauwi. Hindi ako mapalagay. Hindi mapalagay ang nararamdaman ko. Kinakabahan, nalilito at parang nahihilo na yata ako kakaisip sa ginawa nya ngayong araw.

Nagyaya syang kumain muna kami sa labas dahil nagugutom na sya. Tahimik lang akong sumunod sa kanya. Pakiramdam ko ito na ang tunay kong first date.

No Marileigh. Niyaya ka lang nyang kumain dahil gutom sya. Hindi yan date. Wag kang assumera at feelingera. Tutol ng utak ko habang kumakain kami.

"Pagkauwi natin. Ipapasa ko lahat ng selfie mo." sabi nya ngunit parang nabibingi pa rin ako kapag nagsasalita sya. Dahil pa rin sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

Nanatili akong tahimik at walang kibo hanggang sa makauwi kami. Binati ako ni Nanay Precy pero hindi ko sya pinansin. Dumeretsyo ako papasok sa kwarto ko.

Hindi ko maintindihan kung lutang ba ako o nalulunod sa nararamdamang kaba ng puso ko. At kung alin man duon, sana may magbaba sakin dahil sa kalutangan ko o di kaya sisirin ako sa pagkalunod ko.

Jusko! Ano tong nararamdaman ko. In-love ba ako? Bakit hindi sya maalis sa isip ko.

Kakaiba ang pinapakita nya kanina. Mabait, gentleman, smiling face na sya at sweet. Malayong malayo sa Samraz na matagal ko ng kilala.

Pero hindi. Baka peke lang pinapakita nya. At mamaya o bukas back to normal na naman kami.

Kinuha ko ang cellphone ko na naiwan sa ibabaw ng side table ko. May message ako sa social account ko.

-I sent this photo for you, for our, remembrace to being a good fremeny with me. You are my friend but also still my enemy. -Samraz

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang picture, ang kuha namin ng bigla nya akong halikan sa pisngi.

Sunod-sunod nagsipasok sa phone ko ang pinasa nyang picture sakin. Hindi ko alam na ganon karami na di aabot ng 50 selfie.

-Napakarami nyan. Wala akong balak mapuno ang memory ng cellphone ko sa mga kuha mo. Isa lang sapat na. - Samraz.

Muli na naman akong kinabahan. Dahil baka ang sinasabi nyang isa ay yung unang pinasa nya sakin.

-Uso seenzoned? Just reply. -Samraz.

"Ano naman ang irereply ko sa chat nya?" tanong ko sa sarili ko.

Muli kong tinignan ang huling shots ko na kasama sya. Naka zoom pa para makita ko maige. Nakapikit sya habang nakadampi ang labi nya sa pisngi ko.

Para akong tanga na hinaplos ang pisngi ko. Ramdam ko pa rin yung labi nya parang magnet na nakadikit.

Teka wait! Ano bang pinag-iisip mo Marileigh? Strategy lang nya yan para maging maamo ka sa kanya habang sya nagbabalak ng plano kung paano ulit kayo mag-aaway. Sabi ng magaling kong utak. Pero ang puso ko, walang tigil sa kaba.

Habang nasa loob pa rin ako ng kwarto ko, narinig ko ang ingay na nanggagaling sa labas. Kaya agad akong nagpunta sa balkonahe. Para silipin ang bakuran.

"Lolo, lola." sambit ko. Kasama nila si Samraz na masayang nagtatawanan. Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila at sana hindi iyon tungkol sa nakaw nyang halik sa pisngi ko.

Agad akong lumabas ng kwarto at nagtatakbo para salubungin sina lolo at lola.

"Apo." sabi ni lola, agad ko syang niyakap.

Accidentally In Love with my FrenemyWhere stories live. Discover now