Chapter 3

1.9K 80 1
                                    


Hindi makapaniwala si Felicity sa narinig. Hindi pala mabuti ang trato ng mga magulang ni Priscilla sa kaniya.

'Paano nila nasisikmura na saktan ang sarili nilang anak?' ang tanong na nasa isip niya

"Kailangan mong bumoses, Priscilla. Hindi na tama ang ginagawa nila sa 'yo," kunot-noo niyang sabi.

"Mas lalo lang nila akong sinasaktan kapag ginagawa ko 'yon," malungkot na sagot nito.

Bumuntonghininga si Felicity at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

"Kung pwede lang kitang kunin, gagawin ko. Pero mapapahamak tayong dalawa, kung pwede na ako lang," nag-aalala niyang sabi.

"Huwag mong sabihin 'yan, Ate. Ayoko rin na mapahamak ka," umiiling na sabi nito.

Napangiti si Felicity at hinaplos ang buhok ni Prisicilla. Hindi niya alam kung bakit ang taong kagaya ni Prisicilla ay nakakaramdam ng pagmamalupit sa mismo nitong mga magulang.

"Pero Prisicilla, kung kaya mo, pigilan mo sila na saktan ka. Hindi porke't isa kang omega ay magpapaalipin ka na lang sa lamilya mo. Wala kang choice kung hindi ang tumayo sa sarili mong paa," aniya.

"Susubukan ko po, Ate. Salamat."

Bumalik na sila sa ilog at doon pinagpatuloy ang pag-uusap dahil maya-maya ay aalis na rin siya. Malapit ng mag tanghali at paniguradong malapit na rin dumating ang papa at kuya niya.

"Gusto mong mag libot sa bayan?" tanong ni Felicity.

Natigil sa pagkain sa mansanas si Priscilla. Hindi pa siya nakakapunta ng bayan.

"Kailan po?" tanong niya.

"Hmm, bukas? Pwede ka ba?" Napaisip naman si Prisicilla at tumango.

"Magpapaalam ako, siguradong papayagan ako," sabi niya dahil alam niyang wala naman pakialam ang magulang niya kung saan siya pumunta.

Pagtapos niya kumain ng mansanas ay tumayo na siya at nagpaalam na umalis dala-dala ang mga nakuhang halamang gamot, kabute, at mansanas. Buti na lang at marami ang nakuha niya na paniguradong kakasya hanggang kinabukasan.

Habang pinapanood ang papaalis na si Prisicilla ay hindi maiwasang malungkot ni Felicity malungkot para rito. Masyado pa itong bata para maltratuhin kaya kung hindi magawa ng mga magulang ni Prisicilla na alagaan ang sarili nilang anak, siya ang gagawa.

Pagdating ni Prisicilla sa kanilang bahay ay agad na siyang kumilos para magsaing pagtapos ay lumabas siya para hintayin na dumating ang kanyang ama at kapatid. Hindi niya alam kung nasaan ang kaniyang ina kaya hula niya ay nasa kapitbahay na naman ito at nakikipag-kwentuhan.

Sa paghihintay, nakarinig siya ng mga sigawan. Akala niya kung anong nangyayari pero nang makita niya ang susunod na Alpha na si Calen ay nalaman niyang dahil pala sa lalaki 'yon.

Nakangiti itong kumakaway sa mga taong lobo at katabi nito ang isang magandang babae. Maputi ang kutis nito at nakasuot ng magandang damit. Balingkinitan ang katawan at may mahabang kulay gintong buhok.

'Bagay nga sila,' sa isip-isip ni Priscilla.

Nang magtagpo ang tingin nila ng susunod na Alpha ay kaagad siyang ngumiti at yumuko bilang paggalang. Maliit na ngitian din siya ng Alpha at mabilis na nag iwas ng tingin.

"Ayan ang sinasabi ko sa 'yo, Pa. Ang ganda 'di ba?"

Napalingon siya sa gilid niya at nakita niya ang kaniyang ama at kapatid na papalapit sa kanilang bahay. May huli itong limang kuneho.

"Oo nga, kung ganyan lang sana kaganda ang Mama mo," natatawang sabi ng kanyang ama.

Nagtawanan naman ang dalawa kaya lumapit na si Prisicilla para kunin ang kuneho. Kaagad niya rin itong nilinisan at niluto para makakain na sila.

Cold Blooded.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon