Chapter 12

1.8K 70 1
                                    


Malalim na ang gabi at mahimbing na ang tulog ni Priscilla habang si Timothy naman ay nakaupo sa labas ng maliit na bahay habang umiinom ng mainit na tubig na hinaluan ng asukal. Hindi maalis sa isip niya ang babaeng nasa loob ng munti niyang tahanan ngayon.

Sa tingin niya ay mukhang may pinagdaanan ito dahil sa sugat na nakita niya sa katawan ng dalaga pati na rin ang matamlay na tingin nito na para bang kagagaling lang sa pag-iyak.

"Ano kaya ang pangalan niya?" tanong ni Timothy sa sarili habang nakatingin sa buwan.

Sa gitna ng kaniyang pagmu-muni-muni ay nakarinig siya ng mahihinang daing mula sa loob. Kaagad na pumasok sa isip niya si Priscilla kaya nagmamadali niyang pinuntahan ang nagi-isang kwarto kung saan niya ito pinatulog.

"A-Ayoko, tama na," mahinang sabi ni Priscilla habang mariing nakapikit ang mga mata nito.

Lumuluha rin ito at pinagpapawisan kaya mabilis niyang nilapitan si Priscilla at inalog ang katawan nito para gisingin.

"Oy! Gising!" sigaw niya.

"Ate... Ate ko..."

Walang nagawa si Timothy kundi ang mahinang sampal-sapalin ang pisngi nito. Mabilis na iminulat ni Priscilla ang kaniyang mga mata at ng makita si Timothy na sobrang lapit sa kaniya ay pumasok sa isipan niya ang kaniyang kuya.

"Ahh! Bitiwan mo ako! Bitaw!" tili niya at pinagtutulak si Timothy. "A-Ayoko! Ate! Tulong!"

"A-Ano, teka! Kumalma ka, si Timothy 'to," sabi niya at bahagyang lumayo kay Priscilla na malakas na humihikbi.

Iniwan niya muna ito at mabilis na kumuha ng tubig para sa dalaga.

"Ano bang...nangyari sa 'yo?" nag-aalangan na tanong ni Timothy at nilapag ang baso sa maliit na lamesa na katabi lang ng kama.

Hindi sumagot si Priscilla at nananatiling yakap-yakap ang tuhod nito habang mahinang humihikbi. Mas kumalma na ito kaysa kanina pero dini-distansya pa rin ni Timothy ang sarili niya sa dalaga.

"Ayos lang kung ayaw mong pag-usapan pero magsabi ka lang kung hindi mo na kaya," sabi niya at naglakad palabas ng kwarto. "Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka."

Hindi pa rin sumasagot si Priscilla hanggang sa mawala na sa paningin niya si Timothy. Patuloy lang ang pag-agos ng luha niya kaya maman hinigpitan niya ang pagyakap sa sariling tuhod.

Alam niyang gusto siyang tulungan ni Timothy pero hindi pa rin niya maiwasan ang matakot na baka pakitang tao lang ang pinapakita sa kaniya ng binata.

"Ate," mahina niyang sabi at ipinikit ang mga mata niya at kalaunan ay nakatulog din siya sa pagod.

Sa pack house naman ay hindi mapigilan na mag-alala nila Naomi at Juluis. Hanggang ngayon pa rin kasi ay wala pa silang balita sa kanilang anak at hindi pa rin ito natatagpuan.

"Alpha, wala siya sa kanluran," sabi ng isang delta na nakaluhod sa harap niya.

Napahilot ng sintido si Juluis. "Sige, magpahinga muna kayo ngayon. Ipagpatuloy na lang bukas ang paghahanap."

"Opo."

"Natatakot ako Juluis, paano kung hindi natin siya makita? I don't want to lose her again," umiiyak na sabi ni Naomi.

"Of course we will not. We will not stop finding her. I know Moon Goddess will help us to reunite with our daughter."

Niyakap niya si Naomi at hinalikan ang noo nito. Wala na silang pwedeng gawin kundi ang magdasal na sana nasa maayos na kalagayan lang si Priscilla.

KINABUKASAN ng buksan ni Priscilla ang mga mata ay naramdaman niya kaagad ang hapdi na dala ng pag-iyak kagabi. Bumangon siya sa pagkakahiga at napahawak sa ulo niya dahil bahagya iyong kumirot.

Cold Blooded.Where stories live. Discover now