Chapter 5

1.9K 70 0
                                    


Tahimik na lumabas ng bahay si Priscilla habang ang pamilya niya naman ay pasimpleng nakatingin sa kaniya. Tinanguan ng kanilang ina si Rey, senyales na gawin nito ang dapat gawin.

Tumango rin naman ito at tahimik na sinundan si Priscilla palabas ng border ng pack. Kahit nasa malayo siya ay kitang kita niya ang lakad nito na may pagmamadali.

'Bakit naman nagmamadali 'to?' tanong ni Rey sa kaniyang isip.

Habang tahimik na naglalakad si Priscilla, napahinto siya ng maramdaman niyang parang may nakasunod sa kaniya. Kunot-noo niyang inilibot ang tingin sa paligid ngunit wala namang ibang taong lobo bukod sa kaniya.

Ipinagkibit balikat niya na lang 'yon at nagpatuloy sa paglalakad.

"Tch," singhal ni Rey na nasa taas ng puno.

Nagpatuloy siya sa pagsunod sa dalaga hanggang huminto ito sa may ilog. Ibinaba nito ang dala nitong basket bago nanguha ng mga halamang gamot. Hindi naman maiwasan ni Rey ang mapakunot ang noo dahil wala namang tao.

Balak niya na sanang umalis ng makarinig siya ng boses ng isang babae.

"Good morning, Priscilla." Napakalambing ng tono nito habang sinasabi ang mga salitang 'yon.

"Ah, Ate Felicity!" Patakbo na pumunta si Prisicilla kay Felicity at niyakap ito.

"Kumain ka na ba?" tanong nito sa kaniya.

Umiling siya. "Hindi nga po, eh," nahihiya nitong sabi.

"Sakto, may dala akong pagkain," usal nito at inilabas ang pagkain na nakalagay sa lalagyanan.

Kuminang naman ang mga mata ni Priscilla. "Wow! Salamat, Ate!"

"Magpakabusog ka, ah," natatawang sabi nito habang pinapanood na masiglang kumakain si Prisicilla.

"Ay, may sasabihin nga po pala ako sa 'yo," sabi niya habang ngumunguya.

"Hmm?"

"Nagkasagutan po kami ni Kuya, may balak po kasi siyang asarin ako at saktan kaya lumaban ako," proud na sabi niya.

Sa hindi kalayuan, napasinghal naman si Rey habang masama ang tingin kay Priscilla.

"Talaga ba? Mabuti naman at tumatapang ka na," kumento nito.

"Ang kaso nga lang po, nasaktan naman ako ni Mama dahil do'n. Sa labas tuloy ako natulog kagabi," nakangusong sabi nito.

"Bakit hindi ka pumunta sa bahay?" gulat na sabi ni Felicity.

"Eh kasi, nasa isip ko na baka nagpapahinga ka na at ayokong istorbohin ka," nahihiyang sabi nito at sumubo ulit ng pagkain.

"Hindi ka naman magiging istorbo saakin. Pero atleast, nakakalaban ka na, hindi ba?"

"Opo!"

Nagtawanan ang dalawa habang si Rey ay nakangisi na. Ito pala ang taong nangahas na sumuway sa utos ng kanilang Alpha. Base sa suot nito, isa itong omega na kagaya nila.

Mabilis siyang umalis para bumalik sa bahay nila at ibalita ang nasaksihan niya.

"Huh?"

"Anong problema, Priscilla?" tanong ni Felicity.

Hindi siya sumagot at nanatili lang ang titig sa puno kung saan may napansin siyang bulto ng kung sino man ang umalis doon.

"Wala po, baka guni-guni ko lang," sagot niya at nagpatuloy sa pagkain.

Pag-uwi ni Rey ay agad siyang lumapit sa mga magulang na nakaupo sa sofa.

"Isang babae," sabi niya ng makalapit.

Cold Blooded.Where stories live. Discover now