Chapter 20

1.6K 55 0
                                    


Malalim ang iniisip ni Calen habang nakatitig sa hawak-hawak niyang papel. Malinaw na narinig niya kanina ng dumaan siya sa kwartong tutuluyan ng dalawang magkasintahan.

"Ikaw lang ang nagi-isang mate ko, Priscilla."

"Fuck," mahinang usal ni Calen at napahilot ng sintido.

Tinawag ni Timothy ang babaeng nagpakilala sa kanilang Hannah sa pangalan na Priscilla at hindi rin pagku-kunwari ang pagiging mate ng dalawa.

"How stupid I am," sabi niya sa sarili bago tumayo.

Kumuha siya ng beer sa refrigerator at pumunta sa balcony. Binuksan niya ang beer at uminom.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya dahil sa nalaman pero alam niyang mas nangingibabaw ang pagkadismaya. Nahanap na ni Priscilla ang second mate niya at hindi pa rin nahahanap ni Calen ang kaniya.

"At least this time I will try to protect you." Hinawakan niya ang bulaklak na nakatanim sa tabi at tiyaka binunot 'yon. "It's not enough but I hope you can forgive me even a little."

Natigil ang pag-iisip niya ng buglang may kumatok sa pinto.

"Alpha, Lady Stacy wish to see you."

"Stacy huh?" Pagak siyang napatawa at nilamukos ang hawak niyang bulaklak.

Ilang linggo matapos niyang gawin ang gusto ng kaniyang Ama at ni Stacy noon, hindi niya inaakala na magtataksil din sa kaniya ang babae. Nahuli niya ito na nakikipaghalikan sa isa sa kaniyang mga kawal.

"Hindi ako naniniwala sa kasabihang nasa huli ang pagsisisi, not until she cheated. Hah, I deserve it too," naiiling niyang sabi at lumakad pabalik sa loob ng kwarto niya.

"Alpha?"

"Tell her that I'm busy," sagot niya at bumalik muli sa pagta-trabaho.

KINABUKASAN, nagising si Priscilla ng maramdaman na may yumuyugyog sa kaniya. Pagdilat niya ay nakita niya si Timothy na nakangiting nakatingin sa kaniya.

"Ang gwapo..." inaantok na sabi niya.

Natawa naman si Timothy dahil doon at hinalikan sa noo si Priscilla.

"Ang ganda ng mate ko," aniya kaya napangiti si Priscilla. "Bumangon ka na, we're still going to observe this place."

"Hmm."

Bumangon na si Priscilla at nag-ayos ng sarili. Bukod sa pag-obserba sa pack ay kay lugar din siya na gusto niyang makita.

"Tapos ka na?" Tinanungan niya si Timothy. "Okay then, let's have a breakfast."

Hinawakan ni Timothy ang kamay niya at sabay silang naglakad papunta sa dining room. Pagdating nila at nandoon na si Calen, at Stacy. Kaagad na kumunot ang noo niya dahil sa tingin na ibinibigay ni Stacy kay Timothy.

"Good morning," bati ni Stacy habang nakatingin kay Timothy.

"Yeah," tipid na sagot nito na hindi man lang tinitingnan si Stacy.

Pasimpleng napangiti si Priscilla dahil doon.

"Greetings, Alpha and Miss Stacy," ani ni Priscilla at bahagyang yumuko.

"Take a sit. Medyo maaga pa naman pero mas maganda kung maaga din tayong matatapos 'di ba?" nakangiting sabi ni Calen. "Let's eat."

Walang nagsalita sa hapagkainan at tanging kubyertos lang ang naririnig hanggang sa napansin ni Priscilla ang pagka-kunot ng noo ni Timothy na parang naiirita. Nagtaka siya at pasimpleng sumilip sa ilalim ng lamesa.

Hindi niya na naitago ang inis niya at sinipa ang paa ni Stacy na humahaplos sa binti ni Timothy.

"Ouch!" daing nito at tumingin sa kaniya.

Cold Blooded.Where stories live. Discover now