Chapter 14

1.8K 70 0
                                    


Nakatayo ngayon sa harap ng bahay nila Timothy si Priscilla. May hawak itong basket ng gulay at karne para ibigay bilang pagpapasalamat sa pamilya na pansamantalang kumupkop sa kaniya. Kumatok siya ng dalawang beses at hindi nagtagal ay bumukas na rin ang pinto.

"Priscilla!" gulat na sabi ng nanay ni Timothy na si Karla.

Yumuko ito pagkakita sa kaniya tanda ng paggalang dahil narinig nila na si Priscilla pala ang nawawalang anak ng dalawang pinuno nila.

"Huwag po kayong yumuko, Nay. Nandito po ako para bumisita at magpasalamat," magalang niyang sabi.

"Tuloy ka."

"Heto po pala," sabi niya at inabot ang basket sa ginang.

"Hala, hindi ka na sana nag-abala pa. Maraming salamat dito," nakangiting sabi ni Karla at inilagay ang basket sa lamesa.

"Ayos lang po. Para ko na rin po kayong pamilya," nahihiya niyang sabi.

Mas lalo namang lumawak ang ngiti ng nanay ni Timothy at ginulo ang buhok ni Priscilla.

"Ilang linggo lang tayong nagkasama pero natutuwa ako na tinuturing mo rin kaming pamilya. O siya, natutulog pa si Timothy paki puntahan na lang at gisingin. Magluluto muna ako ng agahan."

Tumango si Priscilla at tumayo para pumunta sa maliit na kwarto ni Timothy. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumilip. Doon niya naabutan si Timothy na nakahiga sa papag habang mahimbing na natutulog.

Pumasok siya sa kwarto at napatitig sa mukha ng binata. Kung magiging babae lang ito, sigurado siya na mas mukhang babae pa si Timothy kaysa kaniya.

Mukhang gumaling na rin ang mga sugat nito kaya nilapitan niya si Timothy at sinundot ang kaniyang pisngi.

"Tammy, ano ba," antok na ungol ni Timothy at humiga patagilid.

Mahinang natawa si Priscilla at muling sinundot ang pisngi ng binata.

"Tammy, natutulog ako," reklmo nito at tinakip ang unan sa mukha.

"Gumising ka na raw sabi ni Nanay," usal ni Priscilla.

Nakita niyang nanigas si Timothy at mabilis na napabangon. Gulat itong tumingin sa kaniya at napakurap.

"Priscilla?"

"Timothy?"

"Bakit ka nandito?" tanong ni Timothy at mabilis napakapa ng mukha dahil baka may tuyong laway siya sa gilid ng labi.

"Bawal na ba ako rito?" nakangiting sabi ni Priscilla.

"Hindi naman, a-ano kasi. Akala ko hindi ka na babalik dito," nahihiyang sabi ni Timothy.

"Bakit naman hindi ako babalik dito?"

"K-Kasi ano, anak ka ng Alpha at Luna," sagot ni Timothy.

Napasimangot naman si Priscilla at umayos ng tayo.

"Kapag ba gano'n dapat hindi kita kausapin?" taas kilay na sabi ni Priscilla.

Napakamot naman ng batok si Timothy dahil hindi na niya alam kung paano aakto sa harap ng anak ng dalawang pinuno nila.

"Timothy, huwag mong sabihin na magbabago pakikitungo mo saakin kasi anak nila ako?" malungkot na tanong ni Priscilla.

Mabilis naman napailing si Timothy. "H-Hindi!"

Idinuro ni Priscilla si Timothy. "Sinungaling!" pabirong sabi niya.

Napabuntonghininga naman si Timothy.

"Oo na, hindi na."

Umalis na si Timothy sa kama at nag-inat.

"Hindi ka ba binangungot kagabi?" tanong niya kay Priscilla habang palabas ng kwarto.

Cold Blooded.Where stories live. Discover now