Chapter 6

1.7K 70 0
                                    


Hindi mapigilan ni Felicity ang mapadaing ng tumama na naman ang laso sa kaniyang katawan sa ika dalawampu't-dalawang beses. Puno ng pawis at dugo ang buo niyang katawan. Humahalo na rin ang luha na tumutulo mula sa kaniyang mga mata.

Wala siyang ideya kung bakit biglaan siyang ikinulong at pinarusahan. Wala naman siyang ginawang masama.

"Tama na 'yan, malapit na rito si Alpha," usal ng isang lalaki sa loob ng madumi at madilim na selda.

"Ah, sabi na nga ba."

Nanghihinang napataas ng ulo si Felicity ng marinig niya ang pamilyar na boses ni Alpha Roger.

"Anong . . . anong kasalanan ko?"  mahina niyang tanong.

Lumapit sa kaniya si Alpha Roger at hinawakan ang panga niya.

"Ang kasalanan mo ay ang pagtulong sa anak ng kalaban," sabi nito at ngumisi. "Tingnan mo nga naman, kamukhang-kamuka mo ang iyong Ina."

Marahas na ginalaw ni Felicity ang ulo niya at sinamaan si Alpha Roger.

"Si Prisicilla ang tinutukoy mo, hindi ba?"

"Oh, Priscilla! Priscilla! Napakagandang pangalan para sa nag-iisang tagapagmana ng kabilang pack, hindi ba? Balita ko kasi, hindi na kayang manganak pa ng Luna nila," sabi nito habang tumatango.

"Huwag mo idamay ang inosenteng bata sa away niyo, Alpha Roger," madiing sabi ni Felicity.

"Boba!" Napabaling sa kanan ang ulo niya ng bigla siyang sampalin ng Alpha. "Wala ka bang utak? Iyon lang ang pagkakataon natin para matalo sila!"

Napatawa naman si Felicity. "Bakit? Masyado ka bang mahina para labanan sila?" nakangisi niyang tanong.

Bumakas ang galit sa mukha ni Alpha Roger.

"Kung iyon ang magpapabagsak sa kanila. Gagawin ko ang lahat para ako ang maging tagapagmana ng trono ng Hari," sabi nito.

Binalot ng malakas na tawa ang buong silid na nangagaling kay Felicity.

"Hindi nababagay sa 'yo ang maging Alpha King, Alpha Roger. Mahina ka, marumi ka lumaban!"

"Manahimik ka!"

Napaubo ng dugo si Felicity ng sikmuraan siya ng Alpha.

"Papatayin ko rin ang batang 'yon, gaya ng ginawa ko sa 'yong Ama," madiing sabi nito.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Sa tingin mo ba aksidente lang ang pagkamatay ng iyong Ama? Nagkakamali ka, Felicity. Kahit omega ang iyong Ama, malakas siya kaya hindi ang rouge o kung ano man ang nilalang ang makakapatay sa kaniya. Sino sa tingin mo ang may gawa?" Humalakhak si Alpha Roger ng makita niya ang gulat sa mukha ni Felicity.

"Hayop ka, hayop ka! Napakasama mo!" Kumalansing ang tunog ng kadena ng subukan niyang kumawala.

"Oo masama talaga ako, kaya ko nga 'to ginagawa, hindi ba?" Ngumiti si Alpha Roger. "Bibigyan kita ng pagkakataong makalaya rito. Iwasan mo ang batang 'yon o dito ka na mamamatay."

Nagngitngit ang ngipin ni Felicity sa galit.

"Mas gugustuhin ko pang mamatay rito kaysa saktan ang batang 'yon."

Nawalan ng emosyon ang mukha ni Alpha Roger.

"Kung gano'n, wala na akong magagawa pa." Tinalikuran siya nito at naglakad na paalis.

"Darating din sa 'yo ang karma mo," mahinang sabi ni Felicity.

MALUNGKOT na napabuntonghininga si Priscilla habang nakaupo sa may bato. Ilang oras na siyang nahihintay kay Felicity ngunit wala pa rin ito. Natapos niya na ang pagkuha ng mga halaman at magtanim pero wala pa rin ang hinihintay niya.

Cold Blooded.Where stories live. Discover now