Chapter 1

2.3K 88 3
                                    


Paggising ni Priscilla ay nakakaramdam pa rin siya ng kaunting hilo pero gabi na kaya kailangan na niyang bumangon. Inayos muna niya ang kaniyang higaan bago tumayo at lumabas ng kwarto. Nakasalubong niya pa ang kaniyang ina kaya naman napayuko siya.

"Anong ginagawa mo‽ Mag-saing ka na! Tambak na rin ang hugasan d'yan, oh!" masungit na sigaw nito.

Hindi na sumagot pa si Priscilla at dumiretso na kaagad sa kusina. Nakita niya ang tambak na pinagkainan. Hindi pa siya nakakain pero ganito karaming hugasan na kaagad ang bubungad sa kaniya. Ano pa bang inaasahan niya? Hindi rin niya maintindihan ang takbo ng isip ng Pamilya niya. Hindi ba sila marunong maghugas? Bakit hindi utusan ng kaniyang ina ang kuya niya? Kung iispin, hindi niya pa nakikita ang magulang niya na binubungangaan ang kuya niya.

Nakaramdam siya ng bigat sa kaniyang dibdib pero ipinagsawalang bahala na niya lang 'yon.

Pagtapos niya maghugas at magsaing ay sumilip siya sa sala. Nakita niya ang kaniyang ina na minamasahe ang kaniyang ama at ang kuya niya na naglalagay ng gamot sa sugat nito. Nagku-kwentuhan sila at nagtatawanan. Para kay Priscilla isa 'yong halimbawa ng masayang pamilya pero alam niya na hindi siya pwedeng makisali sa kanila.

Iniwas na lamang ni Priscilla ang tingin sa kanila at lumabas para lumanghap ng sariwang hangin. Ang daming katanungan sa isip niya na alam niyang hindi na masasagot. Ang tanging paraan lang talaga para makatakas siya sa mapang-abusong pamilya ay ang mahanap ang kanyang mate.

"Priscilla! Nasan ka ba?!"

Nagulat siya sa pagsigaw ng kaniyang ina kaya dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay nila.

"Ano naman ginagawa mo sa labas?" kunot-noong tanong nito.

"Na-nagpahangin lang po," mahina niyang sagot.

"Sus, baka may kinikita 'yan sa laba," biglang sabi ng kuya niya at ngumisi.

"Nako, Priscilla. Tigilan mo ang kalandian mo, ah. Masasapak kita," sabi naman ng kaniyang ama.

Hindi na lang siya sumagot dahil baka lumaki pa ang simpleng pang-aasar ng kuya niya. Gustong-gusto talaga siyang ipahamak nito.

"Ano? Kanin lang ang kakainin namin? Lutuin mo ang baboy ro'n." Marahas na hinablot ng Ina ni Priscilla ang braso niya bago siya patulak na binitiwan sa kusina.

Kumilos na siya kaagad at bahagyang hinimas ang braso niya. May kalakasan kasi ang kaniyang ina at payat siya kaya halos madurog ang buto niya dahil doon. Hindi naman nagtagal ang kaniyang pagluluto at inihanda niya na ang pagkain sa hapag.

Nasa gilid lang siya at nakatingin sa kanila habang kumakain. Daig niya pa ang tagapagsilbi na hindi dapat sumabay sa pagkain ng kaniyang mga amo.

"Ma, kokoronahan na pala ang anak ng Alpha sa susunod na buwan," sabi ng kuya niya habang ngumunguya.

"Oh? Edi magiging Alpha na si Calen? Nahanap niya na ba ang mate niya?" tanong ng ina niya

Naging interesado siya sa usapan nila. Kilala si Calen bilang isang seryosong lalaki pero mabait. Malakas din ito at matapang kaya hindi na siya magtataka kung bakit sa edad na twenty five ay siya na ang susunod na magiging Alpha.

"Hindi ko alam, eh. Pero usap-usapan na baka raw ang anak na babae ng Beta ang mate niya, may something daw kasi sa kanila. Tsaka bagay naman sila ni Alpha Calen, 'di ba?" nakangiti nitong sagot.

Natawa naman ang kaniyang ama sa sinabi ng kaniyang kuya

"Alpha kaagad? Mukhang mas excited ka pa sa kaniya, 'nak, ah."

'Anak...'

Matagal ng gustong marinig ni Priscilla mula sa bibig ng kaniyang mga magulang ang salitang 'yon pero sa ginagawa ng mga ito sa kanya ay parang napaka-imposible.

Cold Blooded.Where stories live. Discover now