Chapter 7

1.8K 63 0
                                    


Umaga na at dismayadong umuwi si Priscilla habang nakayakap sa sarili. Ipinapangako niya sa sarili na hindi niya ipapakita sa kahit sino ang lobo niya hangga't hindi pa ito nakikita ni Felicity.

Sa paglalakad ay napatigil siya ng makaamoy ng mabangong aroma. Amoy cinnamon na may halong papermint.

"Mate! Naamoy ko ang mate natin!" Bulalas ni Risci.

Nanlaki naman ang mata ni Priscilla at lakad takbo ang ginawa para hanapin kung sino ang nagmamay-ari ng amoy na 'yon. Natigil lang siya ng makita ang isang taong lobo na nakasalubong niya. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Priscilla habang nakatingala sa taong nasa harap niya.

"Calen," mahina niyang sabi.

"Priscilla."

Agad naman nagwala ang lobo sa loob niya dahil kilala siya ng mate nila. Napakagat labi si Priscilla para pigilan ang pag ngiti.

"Ikaw ang—"

"Fuck." Napasuklay ng buhok si Calen gamit ang mga daliri niya. "No, this can't be happening. You can't be my mate."

Parang lumubog ang puso niya sa narinig.

"A-ano? Pero—"

"Shut up and stay away from me, peasant," madiing sabi nito at mabilis siyang tinalikuran bago umalis.

Napatulala na lang si Priscilla habang nakatingin sa bulto nito na papalayo. Kumirot ang dibdib niya ay hindi niya mapigilan ang mapaiyak.

"Risci, bakit gano'n? Bakit ayaw ng mate natin saatin?" tanong ni Priscilla.

Bumuntonghininga ito. "Hindi ko rin alam, Priscilla. Pero sigurado ako na lalambot din iyon saatin, baka pagod lang."

Wala ng nagawa si Priscilla kundi ang tumalikod na rin para bumalik na sa bahay nila. Hindi niya maintindihan kung ano bang mali sa pagkatao niya at parang ayaw siya ng lahat.

Pagka-uwi sa bahay ay nadatnan niya ang pamilya niya na masayang kumakain. Muli na namang kumirot ang puso niya pero hindi niya na ito pinagtuunan ng pansin.

"Oh? Nakilala mo na ang wolf mo?" tanong ng ina nila na si Maria ng makita si Priscilla na naglalakad papunta sa kusina.

Pansin niya ang pagiging dismayado ni Priscilla kaya palihim siyang napangisi. Mukhang alam niya na ang sasabihin nito.

"Wala pa po, eh," pagsisinungaling ni Priscilla at uminom ng tubig. "Sa kwarto lang po ako."

Pagpasok niya sa kwarto ay nagkatinginan naman ang pamilya niya bago tumawa.

"Late bloomer si Priscilla," sabi ni Tomas at naiiling na nakangisi.

"Hangga't hindi niya alam na may dugo siyang Alpha, magiging alipin siya," sabi ni Maria.

ISANG sampal ang inabot ni Calen ng marinig ni Alpha Roger ang sinabi nito.

"Ano‽ Balak mong tanggapin ang babaeng 'yong‽"

"Dad—"

"Calen, reject her immediately! You can't be her mate!" sigaw nito sa kaniya.

Napayukom naman ng kamao si Calen. "Why?"

"Why? Because that girl is your enemy's daughter, Calen. Her family killed your Mom!" Huminga ng malalim si Roger. "You'll be the Alpha tomorrow, ayusin mo ang desisyon mo sa buhay."

"Yes, Dad. I'm sorry."

"Wait, I change my mind. Don't reject her yet, I want you to make her suffer first," sabi niya.

Cold Blooded.On viuen les histories. Descobreix ara