Chapter 8

1.6K 65 5
                                    


"What‽ She's your mate‽" malakas na sigaw ni Stacy ng aminin sa kaniya ni Calen na si Priscilla ang mate niya.

Bumuga ng hangin si Calen. "Yes."

"And you let her live here‽ How about me, Calen? How about us? Hindi mo na ba ako mahal? Sabi mo ako lang, 'di ba?"

"Calm down, Stacy. Of course, I won't leave you. I let her live here just to make her suffer like Dad told me to do," sabi ni Calen at ngumiti. "I won't replace you."

"What the hell, Calen. Can you hear yourself? Sa tingin mo ba magiging second chance mate mo si Stacy?"

"I'm sure about it."

Sininghalan lang siya ni George at hindi na nagsalita pa. Ayaw niya rin marinig ang wolf niya na binubungangaan siya. Nakakarindi.

Mamayang gabi ay sa kaniya na ipapasa ang titulo ng pagiging Alpha. Marami na rin siyang plano para pahirapan si Priscilla. Hindi man gusto ng isip niya sa ideyang iyon pero gagawin niya pa rin.

UMAGA pa lang ay gising na si Priscilla. Nag-asikaso na kaagad siya ng sarili at lumabas para maghanda ng pagkain ng pamilya niya pero naalala niya na hindi na pala siya nakatira do'n. Nasa teritoryo na siya ng mate niya.

Nakangiti siyang lumabas ng kwarto ngunit napahinto rin ng may marinig na nag-uusap.

" . . . How about us?! Hindi mo na ba ako mahal? Sabi mo ako lang, 'di ba?" tanong ng isang boses ng babae.

Sa kuryosidad ay sumilip siya para tingnan ang nagu-usap na sana hindi niya na lang pala ginawa.

"Calm down, Stacy. Of course, I won't leave you —"

Mariing napapikit si Priscilla at mabilis na tinakpan ang tainga niya bago ko umalis doon. Wala siyang narinig at wala siyang nakita. Baka iba lang ang pinagu-usapan ng dalawa.

Bumuntonghininga siya at tumungo sa kusina. Hindi niya mapigilan ang mapasimangot ng mapansin na iba ang tingin sa kaniya ng mga katulong ni Calen.

"Ah, tulungan na kita," alok niya sa isang babae na may hawak na mga plato.

"Huwag na, 'wag ka ng makialam," masungit na sabi nito sa kaniya at nilagpasan siya.

Napakurap naman siya at nag alok muli ng tulong sa iba pang katulong pero tinataboy lang siya nito. Wala na siyang ibang magawa kundi ang umupo sa sofa at hintayin kung ano ang maari niyang gawin.

Pwede siyang pumunta sa ilog na tagpuan nila ni Felicity pero gusto niya munang makita si Calen.

Habang nakaupo sa sofa ay biglang may lumapit na babae sa kaniya. Napatingala siya at kaagad na napasinghap ng dumapo ang palad nito sa pisngi niya.

"A-Anong—"

"Even you're Calen's mate, you're still an omega," sabi nito sa kaniya.

Nanlalaki ang mata niyang nakatingin kay Stacy. Masama ang tingin nito sa kaniya. Hindi niya inaakala na ganito pala ang ugali ng babae. Nananahimik siya pero bigla-bigla na lang siya nitong sinampal.

"Mate pa rin ako ni Calen," mahina niyang sabi.

Mas lalong nagalit si Stacy sa sinabi niya at hinila ang damit niya kaya napatayo siya.

"Reject him, now," madiin nitong sabi.

Umiling si Priscilla bilang pagtanggi. "H-Hindi ko gagawin 'yon."

"Bitch!"

Napadaing siya ng hatakin ni Stacy ang buhok niya. Ayaw man niya ang manakit ay wala siyang ibang magawa kundi ang hilain din ang buhok nito at sinusubukang itulak ang dalaga palayo sa kaniya.

Cold Blooded.Where stories live. Discover now