Chapter 17

1.7K 76 0
                                    


"Shoot, it's almost evening! I haven't cook for our children yet!" bigla sigaw ni Naomi habang nakatingin sa orasan.

"We focused too much about his visit tomorrow. How can we tell this to Priscilla?" naiiling na tanong ni Juluis.

"Let's talk about this again tomorrow. They will visit on the afternoon afterall," sagot ni Naomi.

Akmang lalabas na siya ng lumakas sa pang-amoy niya ang amoy ni Juluis. Mabilis siyang lumingon at nakita niya ang kulay gintong mata nito na ibig-sabihin ay ang wolf nito ang kaharap niya ngayon.

"It's a full moon, isn't it?" tanong niya.

"Yeah," maikling sagot ni Juluis.

"Do we need to tell this to Timothy and Priscilla? Or..."

"They're already adult, let them be."

Napakagat ng ibabang labi si Naomi dahil nag-uumpisa ng mag-init ang katawan niya. Mariin muna siyang napapikit bago tumango.

"Yeah, you're right. I want a grandchild too."

Sa kabilang banda ay nagtataka si Priscilla dahil hindi pa rin bumababa ang mga magulang niya. Tapos na silang kumain at wala pa rin ang mga ito.

"Kanina pa sa banyo si Timothy, ah? Ate, nalunod na ba 'yon do'n?" biro ni Priscilla sa isang katulong.

"Nako, hindi ko rin alam. Baka dumudumi," sagot nito na ikinatawa nilang dalawa.

"Sige po, kapag hinanap po ako ni Timothy pakisabi nasa kwarto lang po ako. Medyo sumasama po kasi ang pakiramdam ko," usal ni Priscilla.

"Sige, ako na bahala mag-sabi."

Pagtapos niya magpasalamat ay umakyat na siya sa itaas para magpahinga. May hindi rin siya maipaliwanag na nararamdaman dahil parang umiinit ang katawan niya.

"Lalagnatin ba ako?" tanong niya sa sarili pumasok sa banyo para maibsan ang init na nararamdaman niya.

Pero kahit na nakaligo siya ay hindi pa rin iyon mawala. Mas lalo lang umiinit ang katawan niya at nagsi-simula ng sumakit ang ulo niya. May gusto siya at hindi niya alam kung ano 'yon. Nilakasan niya ang aircon sa loob ng kwarto niya pero hindi pa rin iyon umi-epekto kaya naman hinuban niya na rin ang damit niya bukod sa panloob.

"Hah. Ang init," mahinang daing niya.

Sa kalagitnaan ng paglilikot sa kama ay naamoy niya ang pamilyar na amoy ni Timothy. Sa hindi malamang dahilan ay kusang gumalaw ang kaniyang katawan at mabilis na tumayo bago walang pag-aalinlangang binuksan ang pinto.

Natagpuan niya si Timothy na namumula at tila naghahabol ng hininga. Wala itong pang-itaas na damit na mas lalong ikinainit ng katawan niya.

"Priscilla," paos na sabi nito.

"Mate! Mate! I want him!" sigaw ni Risci sa kaniyang isip.

Mariing pumikit si Timothy at tila pinipigilan ang sarili na hawakan si Priscilla. Napansin niya iyon at hindi niya iyon ikinatuwa.

Inilagay niya ang dalawang kamay sa batok ni Timothy at walang salita itong hinalikan.

"Priscilla," daing ni Timothy. "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko," wika niya ng maghiwalay ang labi nila.

"Don't stop then," ani ni Priscilla.

Bahagya pang umigting ang panga ni Timothy bago niya hapitin ang maliit na baywang ni Priscilla at siniil ito ng halik. Ramdam ni Priscilla ang pangigil sa halik nito na tinugunan naman niya.

Narinig na lang ni Priscilla ang pag-sara ng pinto at maya-maya pa ay napunta na sila sa kama. Sandaling humiwalay ng halik si Timothy na ngayon ay nakapatong kay Priscilla.

Cold Blooded.Where stories live. Discover now