Chapter 4

1.8K 75 0
                                    


"Ang sarap, hindi ko alam na may talento ka pala sa pagluluto, Ate," puri ni Priscilla.

Natuwa naman si Felicity dahil bukod sa mga magulang niya, si Priscilla pa lang din ang nakakatikim ng luto niya. Buti nagustuhan niya ito.

"Simpleng luto lang 'yan," aniya at umupo sa harap ni Priscilla.

"Simpleng luto, eh, mas masarap pa nga ito sa luto ko," ngiting-ngiting sabi niya.

Matapos nilang kumain ay niyaya ni Felicity si Priscilla para maglakad-lakad ulit sa labas at mag-kwentuhan pero si Priscilla ang mas maraming na iku-kwento lalong-lalo na kapag tungkol sa pamilya niya.

"Kahit naman gano'n sila Mama ay mahal ko pa rin sila, kahit kailan hindi ako nagtanim ng sama ng loob kasi alam kong may dahilan sila."

Napakunot ang noo ni Felicity sa sinabi niya.

"Hindi nila sinabi sa 'yo kung ano ang dahilan?" Umiling si Priscilla.

"Hindi."

Huminto ng paglalakad si Felicity at hinarap ang dalagitang kasama niya. Inosente naman siyang tiningnan ni Priscilla.

"Alam kong nasabi ko na ito sa 'yo pero sasabihin ko ulit. Priscilla, malaki ka na. Alam mo na ang tama at mali kaya dapat malaman mo rin na inaabuso ka nila. Walang magulang ang mananakit ng anak na alam nilang wala namang ginagawang masama."

Napakurap si Priscilla habang nakatingin sa seryosong mukha ni Felicity.

"Pero po—"

"Hindi ba sinabi ko sa 'yo na lumaban ka? Kung hindi mo talaga kaya, umalis tayo rito," dagdag pa niya.

Nanlaki ang mata ni Priscilla I at napatingin sa paligid. Mabuti na lang at walang  taong lobo sa dinadaanan nila pero nag-aalala pa rin siya na baka may makarinig.

"Ano bang sinasabi mo, Ate? Wala tayong pupuntahan kung sakali," nag-aalala niyang sabi.

Ngumiti si Felicity at hinaplos ang mukha niya.

"Ako ang bahala. Hahanap tayo ng bagong pack, malayo rito, malayo sa mapang abuso mong pamilya."

Nangilid ang luha ni Priscilla at napayuko.

"Pero Ate, malapit na ang kaarawan ko. Paano kung nandito ang mate ko?" tanong niya.

Natigilan si Felicity at ngumiti.

"Edi hihintayin muna natin ang pagsapit ng eighteenth birthday mo, pero ang tanong, sasama ka ba saakin?" Sumilay ang ngiti sa mukha ni Priscilla at mabilis na tumango.

"Sasama ako kahit saan ka magpunta, Ate."

Niyakap ni Felicity si Priscilla habang pinipigilan ang pagluha niya. Parang kapatid niya na ang turing niya rito at ayaw niyang nasasaktan ito.

"Basta ipangako mo na hindi ka na dapat basta basta na magpapa-api, okay? Hindi mo deserve ang masaktan."

"Maraming salamat, Ate," mahinang sabi ni Priscilla. "Akala ko sa mate ko na lang mararamdaman ang maging masaya at mahalin. Salamat kasi dumating ka."

"Hindi lahat ng taong lobo ay masama. Sigurado ako na sa oras na makaalis tayo rito ay marami tayong makikita na mabubuting lobo."

"Katulad mo?" Natawa si Felicity at tumango.

"Oo, katulad ko." Inilabas niya ang kwintas na binili niya kanina at isinuot sa leeg ni Priscilla. "Regalo ko sa 'yo, hindi 'yan mahal pero sana alagaan mo."

Naluha naman siya at hinawakan ang kwintas na inilagay ni Felicity sa leeg niya. Regalo, ngayon lang siya nagkatanggap ng regalo sa buong buhay niya kaya impossible na hindi niya ito pangalagaan lalo na't galing ito kay Felicity.

Cold Blooded.Where stories live. Discover now