EPILOGUE

2.4K 100 7
                                    

Isang linggo matapos ang pagkamatay ni Timothy, natagapuang patay si Priscilla sa sarili niyang kwarto. Nakasaksak ang pilak na punyal sa mismong puso nito. Wala na ring nagawa ang mga magulang ni Priscilla dahil huli na ng matagpuan nila ang dalaga.

Magkatabing inilibing si Timothy at Priscilla. Naiukit sa kasaysayan ang mga pangyayari at kwento nilang dalawa.

"Isn't that sad, Bianca? What if hindi namatay si Timothy at hindi nilamon ng depresyon si Priscilla? Sila na kaya ang pinuno ng Twilight pack ngayon?" tanong ni Dianne sa kaibigan.

"Obvious naman kapag hindi nangyari 'yon, edi magiging masaya silang dalawa," sagot ni Bianca. "Pero ang Roger na 'yon, nangigigil ako!"

"Hahaha! Sa lahat ng history, ang kwento talaga nilang dalawa ang gusto ko. Pero ang lakas din ni Priscilla, ano? Nakaya niya lahat 'yon? Kung ako 'yon susuko na kaagad ako."

"Oo na, Dianne." Umirap si Bianca at ipinasok sa bag ang notebook niya.

"Pero kung titingnan ng maigi, may pagkakahawig kayo ano?"

Suminghal siya. "Duh! Ninuno ko ang parents ni Priscilla kaya posible na may pagkakahawig kami," sabi ni Bianca.

"Oo na, edi ikaw na ang taong may sikat na family history." Si Dianne naman ang umirap sa kaniya kaya napailing siya.

Si Bianca ay anak ng Alpha at Luna ng Twilight pack. May dalawa siyang nakakatandang lalaking kapatid at siya lang ang nagi-isang babae. Ang pack nila ay mas naging maunlad at mas lumawak. Salamat sa suporta ng Hari, mas maayos nilang nagagawa ang tungkulin para sa kanilang lugar.

"Balita ko dito raw mag-aaral ang anak ng Hari, ah. I wonder what he looks like," sabi ni Dianne.

"Makikita mo rin naman 'yon. Hindi ka ba magri-recess?" tanong ni Bianca at tumayo.

"Wala akong pera," ungot ni Dianne at ngumuso. "Libre mo ako."

"Kapal mo. Anong walang pera, ako pa lokohin mo."

"Hmp. Halika na nga."

Tumayo na rin si Dianne at kumapit sa braso ni Bianca bago sila naglakad papunta sa canteen. Habang naglalakad ay hindi niya maiwasan ang mapatingin sa field kung saan may nagtatakbuhang lobo.

Hindi maiwasang makaramdam ng inggit ni Bianca dahil kahit na dumating na ang ikalabing-walo ng kaniyang kaarawan ay hindi pa rin niya makausap ang wolf niya. Sa madaling salita, isa siyang late bloomer.

"Bakit ayaw mong mag-switch, Dianne?" wala sa sariling tanong ni Bianca.

"Huh? Bilang lobo?" Tumango siya. "Heh. Tiyaka na kapag nakuha mo na ang sa 'yo para tayo ang unang makakita ng lobo ng isa't-isa," sagot ni Dianne habang nakapaskil sa mukha niya ang malaking ngiti.

Napangiti rin si Bianca dahil do'n.

"Wow! Is that a girl?!"

"Stupid! That's Alpha King's son!"

"Son? So it's a guy?"

"Yes!"

"Guy?! As in with eggplant?!"

"Layuan mo ako p're, paulit-ulit ka na, nangigigil ako sa 'yo."

"Eh? It's too soon, kanina ko lang nalaman na dito mag-aaral ang anak ng Hari tapos nandito na siya kaagad?" sabi ni Dianne.

"Gusto mong silipin? 'Di ba nagtataka ka sa hitsura niya?" Mabilis namang tumango si Dianne at walang sabing hinila si Bianca papunta sa mga nagkukumpulang estudyante.

"Excuse me! Excuse!" sigaw ni Dianne.

Napasimangot na lang si Bianca dahil naiipit sila sa mga higanteng taong lobo. Hindi niya alam kung kanino siya nagmama at pinagkaitan siya ng tangkad.

"Wow! He's beautiful!" bulalas ni Dianne.

Sumiksik din si Bianca at sumilip. Hindi niya maiwasan ang mapahanga ng makita ang anak ng Hari. Kahit na matangkad ito ay hindi maitatanggi na mukha talaga itong babae. Pamilyar din kay Bianca ang mukha niya pero hindi niya alam kung saan ito nakita.

Huminto ang anak ng Hari at inilibot ang tingin sa paligid. Dumako ang tingin nito sa kaniya bago masayang ngumiti na ikinasinghap ng lahat.

Dahil sa kaniya nakatingin ang binata ay napatingin din kay Bianca ang lahat, pati ang kaibigan niya.

"Uh?" Nagtataka siyang tumingin sa paligid.

"Mate!"

Napaawang ang labi ni Priscilla ng yakapin siya ng binata. Hindi niya alam kung bakit pero masarap sa pakiramdam ang pagyakap nito sa kaniya.

"Don't you recognize me, Mate?" tanong nito at hinawakan ang kamay niya.

"U-Uh, to tell you the truth, I don't—" Napahinto si Priscilla at napahawak sa ulo niya ng kumirot 'yon.

"Mate? Mate?" Napatingin siya sa binata.

"Mate..."

Tila nagbago ang paligid niya at nakita niya ang mukha ng mate ni Priscilla na si Timothy sa panandaliang segundo.

"A-Ahh, sorry."

Nagmamadali siyang umalis doon at tumakbo kung saan man siya dalhin ng paa niya. Napahawak siya ng ulo, biglang naguluhan ang isip niya dahil sa nakita.

"Oh." Napahinto siya sa paglalakad ng mapansin niyang nasa harapan niya ang bulto ng Moon Goddess.

Bumuntonghininga si Bianca. "Ano 'yon?" pagtukoy niya sa nakita niya kanina.

"My Child, I promised thy happiness. Thee poor soul, I shalt not let it suffer once more."

Napasinghap si Bianca ng may marinig siyang boses sa ulo niya. Bago pa man siya makapagsalita ay nawalan siya ng malay.

Sa panaginip, nakita niya ang nakaraan. Kung saan nag-umpisa ang lahat, ang paglaki ni Priscilla hanggang sa katapusan nito. Nakita niya ang mate ni Priscilla na si Timothy, malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya habang hawak-hawak ang kaniyang pisngi.

"Priscilla..."

Mabilis na napabangon si Bianca at naghahabol ang hiningang umupo mula sa kinahihigaan niya. Basang-basa ng pawis ang buo niyang katawan at walang tigil na tumutulo ang luha sa mga mata niya. Hindi niya na napansin kung nasaan siya.

"A-Anong..." Napatakbo si Bianca sa banyo at tiningnan ang sarili sa salamin. "Ako si Priscilla," aniya sa sarili.

Sandali siyang natigilan. "Tim... Timothy."

Mabilis siyang lumabas ng banyo at lalabas na sana ng kwarto ng bumukas ito. Muling tumulo ang luha niya ng makita ang taong nakatayo sa harap niya.

"Timothy..." banggit niya na ikinagulat ng binata pero kalaunan ay ngumiti ito sa kaniya.

"The Goddess didn't let you remember earlier, huh?" usal nito.

"Naaalala mo rin?" gulat na tanong niya.

"When I was fifteen, I remember all of it and I prayed to Goddess that I need a clue where you are and she answered, then you're here in front of me." Hinawakan ni Timothy ang pisngi niya at hinimas ito. "I miss you so much, Priscilla."

Natawa naman si Bianca at hinawakan ang kamay ni Timothy na nasa pisngi niya.

"Bianca na ang pangalan ko."

"Whatever your name is, everything suits to you, my love."

Sa simula ay mayroong katapusan at sa katapusan ay mayroong simula.

WAKAS

Cold Blooded.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon