Chapter 23

1.6K 49 0
                                    

 
Habang tumatakbo si Priscilla ay nagbato siya ng mahika sa gawi ni Roger habang hindi ito nakatingin sa kaniya ngunit walang kahirap-hirap niya itong sinalag. Hindi huminto ng takbo si Priscilla at inatake ito gamit ang espada.

"Hah, unlike your Sister, you're pretty fierce," nakangising sabi nito sa kaniya habang magkasangga ang kanilang espada.

Ngumisi naman si Priscilla. "Oh, didn't you know? I didn't actually have a Sister."

Gamit ang isang kamay ay muling nagpalabas ng kapangyarihan si Priscilla at ginamit iyon para atakihin ng direkta si Roger.

"Fuck," mura ni Roger at napahawak sa tagiliran niya na napaso. "You bitch. How come you have the Goddess blessing?"

Tumayo ng tuwid si Priscilla at walang emosyong tiningnan si Roger.

"Bark first like a stupid dog then I'll answer you," aniya.

Bumakas naman ang galit sa mukha ni Roger at sumugod sa kaniya. Inilagan niya ang papalapit na kapangyarihan nito at sinangga ang espada na tatama sana sa kaniya.

"Your dark magic smell stinky as fuck," pang-aasar ni Priscilla.

"Shut up!"

Sumipa si Roger at kahit na nasalag iyon ni Priscilla ay nasaktan pa rin siya sa malakas na sipa nito. Hinilot niya ang kaniyang braso at sinamaan ng tingin si Roger.

"Even you have the blessing, I am more experience in fighting that you. You're just an insect."

Ngumisi si Priscilla at hinanda na ang kaniyang sarili.

"But I am the kind of insect that has lethal poison, you bastard!"

Muling nagtagpo ang espada nilang dalawa. Halos magpantay ang lakas nila ngunit nangingibabaw si Priscilla dahil sa kapangyarihan na ibinigay sa kaniya ng Diyosa.

Habang naglalaban ay nakita sa gilid ng mata ni Priscilla ang pagtalsik ni Timothy. Nawala siya sa focus at napatingin sa gawi ng mate pero kinuha namang pagkakataon ni Roger 'yon para atakihin si Priscilla.

"Where are you looking? Nandito ako sa harap mo," nakangising sabi ni Roger.

Napadaing naman si Priscilla at hinawakan ang sikmura niyang nagdudugo. Natamaan siya ng kapangyarihan nito kaya napatumba rin siya sa lupa pero nagawa niya pa ring tingnan kung anong nangyayari kay Timothy. Kalaban nito ang Beta nila.

Nanginginig na tumayo si Priscilla at ginawang tunkod ang espada. Pinunasan niya ang dugo sa pisngi.

"Oo, kitang kita ko nga ang kapangitan ng pagmumukha mo," sagot niya sa sinabi ni Roger.

"Oh? You really have—"

Natigil ang pagsasalita ni Roger ng may sumunggab sa kaniyang isang lobo na nangagaling sa likod ni Priscilla. Kahit siya ay nagulat sa nangyari at dahil nga malakas si Roger ay walang kahirap-hirap niyang sinaksak ang lobo na 'yon at sinipa palayo.

"Fuck!" mura ni Roger ng magdugo ang braso nito. "You fucking bastard!" Sinipa niya ang lobo papunta kay Priscilla.

"What the..." Nanlaki ang mata niya ng bumalik ito sa pagiging tao. "Calen?"

Umubo ng dugo si Calen at tumawa habang nakahiga sa lupa.

"I w-want to help you more," mahinang sabi nito. "But I guess this is all I can do."

"Why did you do that?" hindi makapaniwalang tanong ni Priscilla.

"For you to forgive me? Haha. I-I'm sorry, I'm too weak, I was still the person years ago." Nagsimula ng tumulo ang luha sa mata ni Calen. "I really regret it, I'm sorry."

Cold Blooded.Onde histórias criam vida. Descubra agora