Chapter 15

1.9K 99 5
                                    


Pakalipas ng walong taon...

"Hap!"

Pumalakpak si Juluis ng makitang matanggumpay na natalo ni Priscilla ang kaniyang kanang kamay, ang Beta na si Lim.

"You've gotten pretty stronger," puri ni Beta Lim at tumayo.

Nakangiti namang ibinaba ni Priscilla ang espada niya at tinulungan tumayo si Lim.

"Hindi naman ako mananalo kapag wala ang tulong niyo," nakangiti niyang sabi.

"Well done," ani ni Juluis ng makalapit sa anak.

Hindi malilimutan ni Juluis ang unang linggo na naging pagsasanay nila. Si Priscilla at Timothy ay parehas na nahirapan, lalo na si Priscilla na natatakot humawak ng kahit anong armas o mapalapit masyado sa mga lalaki pero ngayon ay ang laki na ng pinagbago nito ngayong nasa dalawamput anim na taon na si Priscilla. Lalo itong nagiging kamukha ng ina nitong si Naomi.

Pero hindi maiwasan mag-alala ng Juluis dahil baka kailangan pang umalis ni Priscilla bago makita ang second mate nito.

"Pa, natulala ka?"

Napakurap si Juluis at ginulo ang buhok ni Priscilla. Kahit na gusto niyang palitan ang pangalan ng anak ay mas pinili nito ang binigay ng mga mapangabusong magulang.

"It's nothing," sabi niya at pinisil ang pisngi ng anak. "Pumasok na tayo at kumain."

"Pero Pa, hindi ba may language lesson pa kami ni Mama?" tanong ni Priscilla kaya napasimangot si Julius.

"Ayang Ina mo talaga palagi kang pinapagod! Malapit ng mag tanghalian tapos gusto ka pa niya turuan!" reklamo ni Juluis at hindi napansin ang presensya ni Naomi sa likod niya.

Humagikgik naman si Priscilla kaya natigil sa pagre-reklamo si Juluis dahil alam niya na nasa likod lang ang asawa niya na kasalukuyang buntis sa pangatlo nilang anak.

"Hehe, H-Hon?"

"Hon?" Itinaas ni Naomi ang kamao niya.

"A-Ahh, yes Boss. Magluluto na ako sa loob para pagtapos may kakainin na kayo," mabilis na sabi ni Juluis at yumuko pa bago kumaripas ng takbo.

Natawa na lang si Priscilla. Hindi niya talaga maiwasang matawa kapag tumitiklop ang kaniyang ama sa kaniyang ina.

"Mag-umpisa na tayo?"

Tumango si Priscilla kaya naglakad sila papunta sa likod ng pack house. May sikretong daan doon kung saan sila nagsasanay. Hindi lang nag-aaral kundi nagsasanay rin.

Siya at ang kaniyang ina lang ang nakakaalam na may kapangyarihan siya na galing mismo sa diyosa ng buwan. Kahit siya ay hindi makapaniwala noong unang sinabi sa kaniya ni Naomi ang tungkol sa bagay na iyon pero tinanggap niya rin ang kapangyarihan.

Iniisip niya na makakatulong ito sa pagkuha ng hustisya para sa buhay ni Felicity at para sa buhay na ipinagkain sa kaniya ng Nightfall pack. Hindi na siya ang dating Priscilla noon, kaya niya ng lumaban.

"I know you already learned a lot and this is the last step I know and after this, it's up to you how make your power grow stronger," sabi sa kaniya ni Naomi ng makapasok na sila sa loob.

Huminga ng malalim si Priscilla at ipinikit ang kaniyang mga mata. Sa muli niyang pagdilat, ang normal na kulay ng kaniyang mga mata ay naging lila.

"Wow! Big sister has really powerful aura!"

Natigil sila ng marinig ang boses ni Nemesis, ang pangalawa niyang kapatid na lalaki. Gulat silang nakatingin dito habang namamangha namang nakatingin ang bata sa kanila.

Cold Blooded.Where stories live. Discover now