Chapter 16

1.7K 71 1
                                    

Parang batang nakayakap sa kaniya si Timothy. Nasa loob sila ng kwarto ni Priscilla at tahimik na nakahiga. Nakangiti namang sinusuklay ni Priscilla ang buhok ni Timothy.

Hindi niya napansin noong una pero nakita niya na nag-iba ang pangangatawan ng binata. Kung dati ay magkasing tangkad lang sila, ngayon ay mas matangkad na si Timothy. Mas lumaki rin ang katawan nito hindi katulad ng dati na payat.

"Mate ko, mate kita," mahinang sabi ni Timothy.

Naramdaman ni Priscilla ang pagtama ng hininga nito sa kaniyang leeg at paghigpit ng pagkakayakap nito sa kaniya.

"Ayos ka lang ba? Hindi ka ba natatakot sa 'kin?" tanong ni Timothy.

Napatawa naman ng mahina si Priscilla. "Sa apat na taon nating hindi pagkikita, sa tingin mo hindi rin ako magi-iba?" balik na tanong ni Priscilla.

Mahina namang umiling si Timothy. "Mas gumanda ka lalo."

Namula naman ang mukha ni Priscilla. "Ikaw rin naman."

"Anak—"

Mabilis silang napabalikwas ng bangon at napaupo sa kama dahil sa gulat. Naalala ni Priscilla na kailangan niya pa lang sabihin sa mga magulang niya na si Timothy ang mate niya.

"Oh? Hoho." Malisyosong nakatingin si Naomi sa kanila. "Magkaka-apo na kaagad ako?"

"M-Ma!" nahihiyang sigaw no Priscilla na ikinatawa nanan ni Naomi.

"Wala namang nakakahiya sa nakita ko. Do you know when your Dad and I met? Gosh, he was so—"

"Ma! Huwag, please."

Muling natawa si Naomi at lumapit sa kanila. "Fine fine. We already know so don't be embarrassed, yes? It's normal." Ginulo niya ang buhok ni Priscilla. "But your Father keeps whining about how his baby girl already grown up."

"Bakit nga po pala kayo napa rito?" pag-iiba ni Priscilla ng usapan.

"Oh, right. I baked a cake and cook so many dish. We need to celebrate and officially announced that my dear daughter has found her mate!" masiglang sigaw ni Naomi at pumalakpak. "Our future Alpha and Luna!"

"Hon, it's too early for that."

Napatingin naman silang lahat ng sumilip si Juluis sa pinto.

"Come on, we will train them how to lead our pack!"

"Uh, ayos lang po ba talaga na maging Alpha ako?" nag-aalinlangan na tanong ni Timothy. "Isa po akong omega at hindi ko pa mapapantayan ang lakas ni Alpha Juluis."

Nagkatinginan naman ang mag-asawa bago natawa.

"Of course you can and you will get stronger too. But the most important of being an Alpha is being a good leader. Mabait kang bata kaya maipagkakatiwala namin sa inyo ang pack," nakangiting sabi ni Juluis.

"How about you guys spar?" suhestyon ni Naomi.

Sa isang iglap ay natagpuan na lang nila ang sarili nila na nasa training ground at may hawak na espadang kahoy matapos nilang kumain ng umagahan.

"Alpha, I don't think I can—"

"Shut it, Timothy. Look at your mate."

Napatingin naman si Timothy kay Priscilla na nag hahanda na rin at halatang excited makipag sparring kay Timothy.

"Don't hold back. Even she's my daughter and has Alpha bloodline, you must defeat her because I am the one who trained you!"

"Pero ikaw rin naman po ang nag-train sa kaniya, 'di ba?"

Cold Blooded.Where stories live. Discover now