Chapter 18

1.7K 70 1
                                    


Malalim pa rin ang iniisip ni Calen dahil sa nakita kanina. Kamukhang-kamukha ng babaeng nagpakilalang Hannah si Priscilla. Tumangkad man ito at pumuti pero kahit saang anggulo niya tingnan ay si Priscilla pa rin ang nakikita niya.

"I didn't know that you have another child," tanong bigla ng Ama niyang si Roger habang naglalakad sila palabas ng pack house.

"Yes. I had a twin," pagsisinungaling ni Naomi.

"Oh. I didn't hear about that," sabi naman ni Roger.

Hindi na sumagot pa si Naomi at nanatili ang ngiti sa labi niya. Sa isip-isip niya ay kung nagkataon na kambal nga ang sinilang niya, baka pati rin iyon ay maranasan ang dinanas ni Priscilla.

Kahit na gusto niya ng patayin sa kanilang teritoryo mismo ang mag-amang ito ay pinigil niya ang sarili dahil mayroon ding kapit sa matatandang lobo ang pamilyang Ira kaya naman ay nagi-ipon pa sila ng maraming ebidensya.

"Salamat sa paghatid saamin sa labas. Alpha Juluis, Luna Naomi," paalam ni Calen.

Tumango si Juluis. "Take care on your way back," walang emosyong sabi nito.

Hinantay muna nila na pumasok sa sasakyan ang dalawa at makaalis. Sinundan nila iyon ng tingin kasabay ng mabilis na pagkawala ng ngiti sa labi ni Naomi.

"Fucking stinky ass dogs!" gigil na sabi ni Naomi at nagdadabog na bumalik papasok sa pack house.

Naabutan niya sila Timothy at Priscilla na nagtitimpla ng kape at tila may pinag-uusapan. May kakaiba rin siyang naamoy mula kay Priscilla kaya naman ay nilapitan niya ito at nagtanong.

"Did Timothy mark you already?" tanong niya at tila nakalimutan niya ang galit nito sa dalawang bumisita kanina.

"Yes," nakangiting sagot ni Priscilla habang si Timothy naman ay namumula habang naghahalo ng kape.

"So you're probably planning to give us grandchildren, right?" excited na tanong niya.

"Of course, but we still need to settle our problem first," sabi ni Priscilla at kumuha ng tinapay. "Those bastards still need to die."

"My daughter will live separately to us soon," sabi ni Juluis at niyakap ang asawa.

"We need to gather more evidences and bring it to Alpha King. Pagkatapos ay madali na lang natin magawa ang plano," sabi ni Priscilla.

"A-Are you really going to their territory? Hindi ba ako pwedeng sumama? Baka kunin ka ng lalaking 'yon saakin," nag-aalalang sabi ni Timothy.

Napatawa naman si Priscilla at hinawakan ang kamay niya.

"You're already marked me and you're my mate. Sino may sabing magpapa-angkin ako sa lalaking 'yon. I just need to stay there for a month and make the observation as an excuse then take their trust, lalo na si Calen. Mukha siyang guilty kanina," aniya.

"What if it doesn't work?"

"Trust me, Love."

Bumuntonghininga si Timothy bago tumango. May tiwala siya kay Priscilla pero sa gagawin niya ay para itong papasok sa kweba ng mga lion.

"Don't underestimate your mate too much, Tim. She has Alpha bloodline too and she's stronger than before. If you're thinking that she is entering in the lion's den, think of her as a huge python who can swallow the lion whole," usal ni Juluis.

Natahimik naman sila pero maya't-maya ay natawa si Naomi.

"Okay, you're exaggerating too much, Hon. How about we start eating our lunch? Baka lumamig pa 'yon."

Agad namang sumangayon ang lahat at tumungo papunta sa dining area. Kahit na hindi pa rin mapalagay si Timothy ay pinagwalang bahala na lang niya iyon dahil tama naman ang sinabi ni Juluis. Nagbago na si Priscilla.

Cold Blooded.Where stories live. Discover now