Chapter 11

1.8K 74 0
                                    


"Sino siya?" tanong ni Naomi.

"Nakita ko po siya sa pang-pang ilog. Buhay pa siya ngunit mahina na ang kaniyang pulso," sagot sa kaniya ni Lion, ang lalaking nakakita kay Priscilla.

"Then hurry up and you should bring her to our pack doctor," sabi ni Naomi.

Kaagad naman kumilos ang mga kawal at binuhat ang katawan ni Priscilla. Nagmamadali silang pumunta sa bahay pagamutan at sakto naman ang paglabas ni Jillian, ang pack doctor.

"That's why I'm smelling blood. Come on in."

Pumasok sila sa loob at inihiga si Priscilla sa kama. Kaagad na tiningnan ni Jillian ang malaking sugat sa dibdib ni Priscilla at napailing.

"This one is deep and she was stab using iron," sabi nito at tumingin kay Naomi. "Anyway, why are you here, Luna?"

"Shut up, Jillian. Bawal ba ako rito?" nakasimangot na sabi ni Naomi na ikinatawa ni Jillian.

Tiningnan pa niya ang ibang parte ang ivang parte ng katawan ni Priscilla kung mayroon pang ibang malalalim na sugat pero bukod sa malalim na sugat nito sa dibdib ay puro gasgas at maliliit na lang ang iba.

"Wait, what is this?"

Pinatabingi niya ang katawan ni Priscilla at hinawakan ang balat nito. Napatingin siya kay Naomi na nakatulala habang nakatingin dito. Bukod sa Luna at Alpha, isa siya sa mga nakakita ng sanggol na isinilang ni Naomi at siya rin ang nagsabi na mayroong balat ang anak nila sa likod na hugis bulaklak.

"Don't jump into conclusion, Naomi. We need to do dna test."

Walang imik na tumango si Naomi at lumabas ng kwarto para maumpisahan na ni Jillian ang paggamot.

Paglabas niya ay umupo siya sa upuan at nanginginig na ipinagsiklop ang kamay. Ilang taon na mula ng kunin ng kung sinong taong lobo ang kanilang anak at sa mga taong dumaan ay hindi sila tumigil sa paghahanap.

Kung ang babaeng nasa loob ng kwarto ay ang nawawala niyang anak, sigurado siya na ang Diyosa ng buwan na ang gumawa ng paraan para muli silang mapaglapit.

"Hon, what happened? I suddenly felt sad and nervous. Are you okay?"

Napatingin siya kay Juluis na kapapasok lang. Tinabihan siya ng asawa at hinawakan ang nanlalamig niyang kamay.

"Hey, tell me. What happened?"

"M-Maybe it's Hannah."

"What?"

"Our daughter, i-it's possible that she's the girl inside," sabi niya na ikinatigil ni Juluis.

"Our daughter?" Tumango si Naomi.

"B-But I don't want to expect again. Jillian need to confirm it first."

Niyakap siya ni Juluis at hinalikan ang noo nito. Hindi rin maitatanggi ni Juluis na kahit siya ay bigla rin nakaramdam ng kaba. Ilang taon na silang nangungulila sa sariling anak at umaasa na lang sila na sana nga, sa pagkakataong ito ay siya na ang babaeng hinihintay nila.

Naging mataggumpay ang paggamot kay Priscilla at walang humpay naman ang saya ng Alpha at Luna ng kumpirmahin ni Jillian na siya nga talaga ang anak nilang dalawa. Hinihintay na lamang nila itong magising dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagkakaroon ng malay.

"Ang ganda ng anak natin," nakangiting sabi ni Naomi habang malamyos na hinihimas ang ulo ni Priscilla.

"Nagmana siya sa 'yo," wika ni Juluis habang hawak-hawak ang kamay ng anak.

Natigilan naman si Juluis ng biglang gumalaw ang daliri ni Priscilla at tumingin kay Naomi na napakatingin din sa kaniya. Sabay silang tumingin sa mukha ni Priscilla at maya't-maya pa ay unti-unti ng dumilat ang mga mata nito.

Cold Blooded.Where stories live. Discover now