02

2.3K 20 0
                                    

.// untitled .///

sa bawat kislap ng iyong mga mata,
sa bawat nakakalunod mong tingin,
sa bawat nakakatunaw mong ngiti,
ay 'di ko na matago pa ang aking lihim
na pagtingin,

sinta, bakit nga ba sayo nahumaling
ng sobra sobra?
ito'y hindi naman noon nadama,
sa iba, tanging sayo lamang,

sinta, ano nga bang iyong sa akin ay ginawa?
bakit parang tuwing lumalapit ka ay
para akong sa sarili'y nawawala,
sabihin mo nga aking sinta, ako ba'y
sayo'y sadyang hulog na hulog na?

__

A D I R I A N G G

Mga tulang ikaw at ikaw palagi ang paksa Where stories live. Discover now