78

46 2 0
                                    

natatakot akong batuhin ka ng mga salitang kailan ma’y walang patotoo‚
para lang malaman mo na lubos akong nasaktan sa iyong paglisan.
natatakot akong ipagtulakan ka,

dahil baka tuluyan mo akong lisanin at hindi namuling lingunin‚
natatakot akong subukang magmahal na lamang ng iba‚
dahil baka hindi ko kayanin na ipilit ang sarili sa taong hindi ko naman kayang mahalin,
dahil baka hindi ko kayanin kapag nalaman kong ikaw naman ang may mahal ng iba.

sinta‚ hindi ko maintindihan
pero siguro, siguro nga ay bata pa ako
dahil sadyang napakagulo ng isipan ko
ngunit bata man ay mahal ka namang totoo

ni hindi ko nga alam na kaya kong magmahal ng ganito‚
sigurado akong hindi ito basta-basta lamang ng pagkagusto– na kapag napansin mo ay kusang maglalaho‚
ito’y seryoso paniwalaan man nila o hindi.

A D I R I A N G G

Mga tulang ikaw at ikaw palagi ang paksa Donde viven las historias. Descúbrelo ahora