32

305 2 0
                                    

// pagibig ko sayo//

Iyo bang minsa'y nawari,
Bakit yaong ibang mga tao sa pagibig ay,
Mga mapagkunwari?
Sasabihi'y ika'y iniibig,
Ngunit ang katotohanan ay may lihim na kinukubli,

Iyo sanang ipagpaumanhin, sinta
Aki'y sana'y sasabihing pag-ibig ko'y iyong ibahin,
Kahit kalaliman ng dagat ay sisisirin,
Pag-ibig mo lamang ay makamit

Ito sanang pagbigyan ang aking pusong,
Tanging pangalan mo ang isinisigaw,
Yaring pag-ibig ko'y walang kabagay,
Lahat ay kayang ibigay ni pagsilbihan ka'y sarili iaalay,

Di man nga ba halata,
Ngunit pag-ibig ko sayo'y kayang ipagsigawan,
Kahit man sa buong madla,
'wag sana mabibigla,

At sa aki'y maniwala,
Sayo lamang ako at tapat itong nararamdaman para sa 'yo,
Na sana'y sa'kin ay magtiwala,
Ika'y saki'y mawala ay 'wag sana.

__

A D I R I A N G G

Mga tulang ikaw at ikaw palagi ang paksa Where stories live. Discover now