51

142 0 0
                                    

napakadaming bakit
pilit na hinahanapan ng kasagutan
pero lahat nauuwi
sa pagtitig nalang sa kawalan.

gabi-gabi nalang‚
dinadalaw ng mga kaisipang
“bakit?” “paano kung..”
lagi nalang naguguluhan

nalilito na sa bulong ng
hangin‚
ano nga ba talaga ang
dapat kong gawin?

lahat nalang sinubukan
pero lahat rin nauuwi sa wala
ano bang dapat kong gawin?
mga mata’y napagod na

sa kakaiyak tuwing naaalala ka
bakit ba naman kase ay ikaw pa?
pwede namang iba nalang
pwede namang ’wag nalang

unti-unti ring bumabangon
ang takot sa ’king dibdib
at namumuo ang lungkot
dahil ramdam kong

napakalapit nyo sa ’kin
pero bakit hindi ko kayo maabot?
nandito rin naman ako, ramdam nyo noon
pero bakit tila hangin nalang ako sainyo ngayon?

___

A D I R I A N G G

Mga tulang ikaw at ikaw palagi ang paksa Where stories live. Discover now