04

1.6K 12 0
                                    

.// kumpara ///.

ako'y napapaisip, ako ba'y hindi sapat?
may kulang ba sa aking hindi ko mapunan?
alam ko namang sa sarili ko na hindi ako
perpekto, ngunit bakit kailangang sa iba'y ikumpara?

hindi ba nila madama na ako'y nasasaktan na?
hindi ba nila madama na hindi ko kaya ang mga salitang binibitawan nila?
alam kong, ang kaya ng iba ay hindi ko kayang magawa

ngunit, bakit kailangang ikumpara?
pinilit namang sundin ang mga nais nila,
at iwan lahat ng aking kagustuhan,
ngunit laging mali at nakakatawa lamang sa paningin nila,
bakit nga ba?

___

A D I R I A N G G

Mga tulang ikaw at ikaw palagi ang paksa Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt