49

153 0 0
                                    

simula pa no’ng una
ayoko ng makilala ka
ngunit pinagtagpo ng mapaglarong tadhana
sinubukang iwasan ka

dahil takot sa gulo na iyong dala
ngunit natagpuan na lamang ang puso ko
na hinahanap-hanap ka sa twina
sinubukan kong pigilan

itong aking nararamdaman
ngunit ewan ko ba‚ sayo parin talaga bumabalik‚ ikaw parin talaga
kahit anong gawin kung paglayo

natatagpuan parin ang sarili kong
naglalakad papalapit sa’yo
kahit anong gawin kong pag-iwas
sa’yo parin talaga nakatitig ang mga mata ko‚

alam kong mali– alam kong hindi na dapat ipagpatuloy pa
ngunit aasa nanaman ba ako
na sa paglipas ng panahon

ay makakalimutin rin kita?
kagaya nang sa iba?
niloloko ko lang ang sarili ko
dahil simula pa no’ng una

alam kong iba ka
pero natakot akong baka para sa iba ka‚
kailan ma’y hindi ka magiging akin‚
hindi ka makakasama
at daan lang ako sa buhay mo. 

___

A D I R I A N G G

Mga tulang ikaw at ikaw palagi ang paksa Where stories live. Discover now