63

99 1 0
                                    

nakatanaw sa karagatan
mga mata’y namamanglaw
nasisilaw sa liwanag ng buwan
nanginginig sa malamig na yakap ng hangin

nang may maka-agaw pansin
isang makinang na bituin‚
naalala ka bigla aking sinta
kailan kaya kita muling nakakasama?

naalala ko pa‚
magandang tinig mo tuwing kumakanta‚
ang tamis ng mga ngiti tuwing kasama ka
ngayon ay panibagong taon nanaman na wala ka sa ’king piling

ano ba’t ako’y maaga mong inulila?
hinahanap-hanap ka sa t’wina
nais na mayakap ka kahit saglit lamang
na marinig muli ang iyong mga pagkanta

sila’y masaya’t nakahanda na
habang ako’y hindi pa kayang lumaya
sa hinagpis at pagdurusa.

___

A D I R I A N G G

Mga tulang ikaw at ikaw palagi ang paksa Where stories live. Discover now