72

58 0 0
                                    

ilang tula pa ba ang dapat nai-alay sa ’yo?
ilang tugmang mga salita pa ba
ang gagawin ko?
para lamang masabi ang sinisigaw nitong damdamin,
na kahit man naisin na makita’t makausap kang muli ay ayaw ka ng maramdaman pa pagkat lunod na sa sakit

ilang beses ko pa bang hihilingin sa mga bituin,
ang mga kasagutan sa ’king katanungan?
bakit bigla nalang iniwan?
ni wala manlang paalam.
hanggang kailan ganito ay paulit-ulit na mararanasan?
habang buhay na bang nakatalaga ang sarili
na umibig at ibigin ngunit sa maiksing panahon lamang?

anong mahika ba ang bumabalot sa ’king kapalaran?
pagkat puso’y laging sa huli’y nasasaktan at iniiwang sugatan?
naniniwala nga sa pagibig‚ ngunit lagi namang natatanong
lagi namang naguguluhan‚ hindi na alam ang paniniwalaan.

puso kong ligaw‚ nais lamang daan pabalik
sa mga panahong kasiyahan ay nanunumbalik
nais lamang ng tunay at totoo
ngunit tila iba ang guhit ng palad ko
sawi nga talaga siguro at kailanma’y hindi na makakahanap pa ng tamang taong mamahalin ko.

A D I R I A N G G

Mga tulang ikaw at ikaw palagi ang paksa Where stories live. Discover now