56

134 1 0
                                    

“mahal kita‚ sobra pa sa sobra”
munting bulong nalang sa hangin
na kahit gaano katamis
ay natatalo parin ng pait

sa tuwing nakikita kitang
masaya kasama s'ya‚
sana ako nalang‚ sana tayo nalang
pero mas pipillin ko nalang

na hintayin ka’t mahalin mula malayo.
alam mo‚ sinta‚ para kang bituin
akala ko noon napakalapit mo
ngunit napakalayo mo pala’t mahirap abutin

sa tuwing tumititig ako sa buwan
naaalala ko ang mga ngiti mo
– mga ngiting hindi naman para sa akin‚
napakasarap na pagmasdan

ng mga ngiti mong tila daig pa
ang kinang ng buwan sa kagandahan
kahit ako naman katulad niya’y
kapag naging akin ka’y hindi na pakakawalan

tunog makasarili man
at walang karapatan
ako’y maghihintay– hihintayin ka kahit bawal
sapagkat tunay kang mahal.

___

A D I R I A N G G

Mga tulang ikaw at ikaw palagi ang paksa Where stories live. Discover now