54

121 0 0
                                    

mahal kita‚ kahit hindi mo ako mahal
ikaw lang talaga‚ kahit hindi mo alam
ilang beses kong naisip na sukuan kana
pero nauuwi parin talaga sa patuloy na pagmamahal sa’yo

hindi ko man sabihin‚ pero sana ramdam mo
hindi ko man ma amin‚ pero hayaan mo mahal ko
tapat naman ako sa’yo‚ hanggat wala pang dumarating na magmamahal muli sayo

ay hayaan mong mahalin muna kita
kahit sa malayo lang
susubakan ko rin namang iwasan ka
kapag nahanap mo na
ang taong itinadhana para sayo

sadyang baliw lang talaga ako
ngayon lang natuto
na magmahal ng patago
na magmahal ng lihim lang

pero sana kung hindi ka nga talaga para sa akin
sa pagdating ng araw na nararamdaman sayo ay pakakawalan na’t tuluyan ng limutin
sana ay maging masaya ka’t hindi na
muling masaktan

at sana kapag handa kanang magmahal ulit
ay handa narin akong palayain ka.

___

A D I R I A N G G

Mga tulang ikaw at ikaw palagi ang paksa Where stories live. Discover now