31

311 3 0
                                    

// Paano //

Nasanay ng kapiling ka,
Sabik sa bawat halik,
Sabik sa bawat yakap
Bawat minuto'y nais na makapiling

Ngunit bakit ngayon ay
Hanggang sa panaginip
Na lamang?
Wala na ba ang dating pag-ibig?

Bakit kailangang maging akin
Kung sa iba rin naman mapupunta sa huli?
Paano na ang pag-ibig na minsan nating pinagsaluhan?

Paano na ang pangako mong
Ako'y hindi iiwan?
Paano na ang sinabi mong
Sa aki'y walang nakahihigit at wala ng iba pa, kundi ako lamang?

___

A D I R I A N G G

Mga tulang ikaw at ikaw palagi ang paksa Where stories live. Discover now