71

53 2 0
                                    

hindi man kasama sa totoong mundo
pagkat ika’y nananahan sa loob ng libro‚
paghanga ko sa ’yo ay walang kapantay
atensyon ko’y iyong nakuha

sa bawat sandali ay hanap-hanap kana‚
malabo man ngang makapiling ka
ngunit mabasa lamang iyong pangalan ay napapangiti na‚
kakaiba‚ pagkat isang tinta lamang sa libro
at mga salita’t panulat ang bumubuhay
ay nagawang mahulog sa iyo‚

ngunit nalaman na nga lang
sa totoong mundo ay may bumubuhay pala sa pangalan mo‚
’di mawari ang gagawin basta nalang natuklasan ang sarili
na sumasabay sakanilang pag-arte

kasiyahan sa puso ko’y nag-uumapaw
hindi ko inaasahan‚ makakahanap ng bagong pamilya’t tahanan
ngunit lubos kong hindi inasahan
ang mahulog sa isang taong
bumubuhay sa tauhan ng kwentong
naging bahagi na ng buhay ko.

A D I R I A N G G

Mga tulang ikaw at ikaw palagi ang paksa Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt