69

65 0 0
                                    

Edukasyon// a requested poem.

edukasyon ang susi sa pag unlad
kaya ang sabi nila,
mag-aral muna bago ang mga bagay na hindi pa naman akma sa kamusmusan,
mag-aral muna upang tuklasin ang tunay na mundo

at maragdagan ang sa buhay na kaalaman
at mamulat sa reyalidad
at matuto ng kung ano ang tama at nasa totoo,
edukasyon ang susi sa kaalaman
kaalaman na sa atin at sa mundo’y magpapaunlad

kung wala ito, paano matututo at mamumulat sa totoong mundo?
hindi naman maaaring habang buhay na walang alam,
dahil paano na lamang mamumuhay sa nagbabagong mundo?

sa panahon pa naman ngayon,
kapag huli ka sa mga pagbabago
talo ka,
dahil ang mundo, sa bawat pag-ikot nito
ay maraming nagbabago at nadaragdag.

__

A D I R I A N G G

Mga tulang ikaw at ikaw palagi ang paksa Where stories live. Discover now