55

138 0 0
                                    

aking sinta‚
ako ba’y hindi na talaga alala?
tuluyan na ba akong nalimot
ng yaring puso mo?

kung totoo nga ay paano na baga
matutupad ating pangako’t pangarap sa isa’t-isa?
paano na ang naiwanang pagmamahalan?
paano ang puso kong ngayon ay sugatan

naalala mo ba...
naalala mo naman siguro
ang nagdaan nating dalawa
sadyang lumingon at nakalimot
lang iyang puso mo

na dating pangalan ko ang isinisigaw
na ngayon ay nabalot na ng bagong magmamahal
naalala mo ba...
pangako natin sa isa’t-isa?

na ikaw ay akin lamang
at ako nama’y iyong-iyo lang
ano ngayo’t nabihag ng iba
’yang puso mong lubos ang pag-ibig sa akin

ano ngayo’y tila wala na
ang sigla sayong mga mata
sa tuwing kapiling kita
akala ko ba ay hindi man ang iyong una

ay s'ya namang huling pagibig mo?
ngunit bakit ni kahit sinong matalino
ay hindi maipaliwanag ang mabilis mong pagbabago
nabihag nga ba niya ang puso mo?

o nilason rin ang isipan
at ipinalit ang syang sabi mong
dati mo lamang na gusto?
hindi ko maintindihan

hindi naman nagkulang
palagi namang nagkakaunawaan
ngunit bakit baga ako’y ganoon na lamang at mabilis na sinukuan?

ang pagibig ko ba’y nakakasakal na sa iyo?
sana sinabi mo...
nakakatawa’t sa tuwing tinatanong kita
kung pagod kana ba

laging namumutawi sa mga labi mo’y
kaya mo pa‚ sana pala tinanong ko
kung hanggang kailan?
kaya ‘pa’ ngunit may hangganan.

___

A D I R I A N G G

Mga tulang ikaw at ikaw palagi ang paksa Where stories live. Discover now